Enjoy Reading!!!
__________
Ilang araw na din ang nakalipas simula ng sabihin sa'kin ni Principal Kim ang kailangan kong gawin para hindi ako mamroblema sa pag-graduate ko.
Andito kami ngayon sa auditorium at pinaplano ang magiging opening ceremony na maghuhudyat na magsisimula na ang celebration ng foundation day.Actually,sila lang talaga ang nagpa-plano,nakaupo lang ako dito sa gilid ng stage at pinapanuod sila.
Wala naman kase akong alam sa pago-organize ng event.
Si Yassi? Ayun,parang okay na naman siya.Hindi na ulit namin napag-usapan ang tungkol sa 'stealing thingy' na 'yun.
Parang wala nga lang nangyari e,kaya hinayaan ko na rin.Baka na bigla lang talaga siya nang mga oras na 'yun.
Napatingin ako sa cellphone ko ng nag-vibrate ito.
Tiningnan ko ang screen at naka lagay dito na kailangan ko ng ipasa ang project ko sa english na 2,000 word essay.
Ngaun na nga pala 'yun...
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa kanila.
"Guys,aalis muna ako.Kailngan ko na kasing ipasa 'yung project ko sa english."Paalam ko.
"Sige,pero balik ka agad ha."Tumango ako.
Dinampot ko na ang gamit ko at tuluyan ng lumabas ng auditorium.
Naglakad ako na ako palabas ng auditorium para pumunta sa locker ko kung nasaan ang project ko
Ang totoo matagal ko na talaga siyang natapos kaya lang ayaw kasing tanggapin ni Miss Ocampo dahil gusto niya daw sabay-sabay na kami,kaya naka-stock lang ito sa locker ko.
Ilang minuto pa ay nakarating na ako sa hallway sa second floor ng main building kung nasaan ang mga locker ng mga estudyante.
Pumunta ako sa locker ko at kinuha ang isang folder.
Nag lakad na ako paalis ng Main Building para pumunta sa Department Building kung nasaan ang mga department office pati narin ang office ng principal at iba pa.
Medyo matagal pa bago ako makarating sa Dept. Building dahil nga malayo ang pagitan nila.Dadaan ka muna sa auditorium,pool area at gym bago ka makarating dun.
Napahinto ako sa paglalakad ng makarating ako sa entrance ng pool area.
Wala ng tao sa loob.Tapos na sigurong mag practice ang mga members ng swim team.
Tutal baka may klase pa naman siguro si Mrs.Ocampo ngayon baka pwede namang tumambay muna ako dito.Baka hindi ko din naman siya maabutan sa English Dept..
Pumasok ako sa loob at umupo sa gilid ng pool pero hindi ko inilublob ang paa ko sa tubig.
Isa talaga ang pool area sa mga paborito kong part nitong school maliban sa cafetiria at sa garden sa likod ng Dept. Building.Actually hindi naman talaga 'yun garden at bawal ang mga estudyante dun.Kailangan kase ng permiso ng science teacher mo o kaya ng head ng science department.
Taniman kase 'yun ng mga herbal plants at ng mga bulaklak na ginagamit sa pagtuturo o kaya ng mga members ng Science Club.It's more on green house kesa garden.
Ikinawkaw ko lang ng ikinawkawi ang kamay ko sa tubig na parang bata.
Naalala ko tuloy 'yung araw na natuto akong lumangoy.At kung sino ang nagturo sa'kin.
Si Mommy...
Napatigil ako sa pag iisip at sa ginagawa ko ng may marinig akong tunog ng takong ng heels mula sa likok ko kaya lumingin ako,at pinag sisisihan ko ang ginawa ko.
I saw a wicked witch with a long horn.
I saw Cindy together with her minions na hindi na natin pangangalanan dahil hindy naman sila importante sa istoryang ito.
"Gotta go."I need to get out of here.May naaamoy akong hindi maganda,at hindi ako yun,naligo ako kanina.
"Why so fast dear."Sabi niya sa pa-sweet na tono.Mga tonong pang kontrabida talaga!
"Bigla kasing uminit sa paligid.May dumating kasing mga galing sa impyerno."
Uhm...sad to say pero hindi ko sinabi yan.
They will kill me if I did anyway.
"M-may gagawin pa kasi ako."God knows how much I was trying not to stutter! Kahit sino naman siguro mauutal lalo na kung kaharap mo ang long lost daugther ni Lucifer!
"K-kailangan ko pa kasing ipasa itong project ko."
She looked down at my hand then smirk.
And I dont like that smirk.Because that smirk is telling me that there is something bad going to happen.
"Can I see it?"Tanong niya."I want lang naman to compare kung tama ba yung ginawa ko."
Yung ginawa niya? O yung ginawa ng PA niya?!
nag aalangan kong inabot sa kanya ang project ko.
Sana lang hindi masunog kapag hinawakan niya.
"Your work is good huh."Hindi ko alam kung compliment yun o ano.
Isinara niya ang folder at tinignan ako ng diretso at seryoso na ang ang mukha niya.
"I'll go strait to the point."Bigla akong kinabahan.
"I konw that you like Red,and I dont like that fact.Ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mong pagdedma diyan sa kung ano man ang nararamdaman mo dahil hindi mo magugustuhang kalabanin ako."
"Red is mine...and mine alone."Tumalikod na siya pero tumigil siya at humarap ulit sakin.
"And oh...this,"Iinaas niya ang project ko na hawak parin niya."gawa ka nalang ulit ng bago.You still have three more hours."
Napa nganga ako ng bigla niyang itinapon ang project ko sa pool at umalis na sila.
Nakatitig lang ako sa project ko na unti-unting binabalot ng tubig at hindi parin ako maka paniwala.
Ramdam ko na ang pag init ng gilid ng mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya ng tumulo.
Ng bigla akong matauhan ay agad kong tinanggal ang bag sa likod ko at hinubad ang sapatos at medyas ko staka ako tumalon sa tubig.
Pagkakuna ko sa project ko ay agad akong umahon at tuluyan ng tumulo anh mga masaganang luha mula sa mata ko.
Kumalat na ang mga ink at hindi na mabasa.Dikit-dikit na rin ang mga papel kaya hindi na mabuklat dahil napupunit.
Panay ang pahid ko sa mga luha ko.
Pinag hirapan ko pa naman to ng mahigit isang linggo.Pati si kuya binulabog ko para lang tulungan niya ako na gawin to.Hindi sasapat ang tatlong oras para matapos to.
Humahagulgol na ako ng iyak ng may makita akong sapatos ng lalaki sa harap ko.
Unti-unti kong itinaas ang tingin ko at mas lalo akong naiyak sa kung sino ang nasa harap ko.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa e! Kase siya lang naman ang dahilan kung bakit babagsak ako sa isang subject ko ngayong quarter.
Tuluyan na akong nilamon ng inis at galit dahil sa nangyari kaya hindi ko na na-control ang emosyon ko.
Tumayo ako at diretso ko siyang tiningnan sa mga mata niya.
"Pag sabihan mo nga yang girlfriend mo! Ano bang ginawa ko sa kanya para gawin niya 'to! Hindi niya ba alam na pinag hirapan kong gawin ang project na 'to! Tapos anong gagawin niya,sisirain niya lang!"Sigaw ko sa kanya pero seryoso parin ang tingin niya sa akin.
Muli kong pinunasan ang bagong grupo ng luhang pumatak sa mga pisngi ko.
Ilang sandali pa ay parang bigla akong nabuhusan ng malamig na tubig at narealize ko ang nagawa ko.
N-nasigawan ko siya...
Napayuko na lang ako sa hiya at agad kong dinampot ang mga gamit ko at patakbo akong umalis.
Nababaliw ka na talaga Aldea! Baliw! Baliw!
Sorry....
BINABASA MO ANG
Stealing Red Lazaro
Narrativa generaleLove,hatred and forgiveness.In the love story that is full of secrets,and filled with sacrifices...witch one will prevail?