Happy new year!
____________________
Nakatingin lang ako sa langit habang nakasandal ang ulo ko sa sandalan ng bench na inuupuan ko.
Haay...
Anu na bang nangyayari sa buhay ko?
Agad akong napapikit ng muling pumasok sa utak ko ang mga nangyari kanina.
Nasigawan ko siya...
Sinigawan ko si Red...
Ang tanga-tanga mo talaga,Aldea! Sinigawan mo siya! Nagpadala ka nanaman sa galit! Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil sa sobrang frustration.
Anu ba kasing problema ng lunatic na babaeng yun?! Basta-basta na lang nangsusugod at maninira ng may project ng may project! At speaking of project!
Ugh! Mas lalo lang akong napo-frustrate kapag naalala kong wala na yung project na halos isang linggo kong pinaghirapan,pinagpuyatan,pinagtyagaan,at pinagpaguran! Not to mention na lagot pa ako kay Mrs.Ocampo!
Anu ba kasing problema sakin ng Cindy na yun?! Dont tell me na tretend siya sakin e ni hindi nga alam ni Red ang existence ko sa mundo---but not until sinigawan ko siya kanina.Kung nuon from Philippines to Europe lang ang layo ko kay Red,ngayon naging from Philippines to America na! Kailangan ko na ng himala para mapansin ni Red ang undying love ko para sa kanya,lalo pa dahil sa nangyari kanina.
Agad akong napatigil ng marealize ko kung anong ka-hibangan ang pumapasok sa isip ko.
At para namang mapapansin talaga ni Red tong feelings ko para sa kanya...
Nagiging delusional nanaman ako.
So anu ng gagawin ko? Nilalamig na ako dahil hindi pa ako nakakapag palit matapos kong lumusong sa pool kanina.
Mabuti pa magpalit na ako.Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko staka naglakad papuntang locker.
Sana may extra uniform pa ako sa locker ko,sana.
Habang naglalakad ay pinagtitinginan ako ng mangilan-ngilang estudyanteng nadadaanan ko.Ngayon palang ata sila nakakita ng basang babaeng nakasuot ng uniform.
Nabaling ang atensyon ko mula sa mga estudyante ng may makita akong lalaking may chocolate brown na buhok.Hindi ko kita ang mukha niya dahil nakatalikod siya pero alam kong siya yun...si Red.
Pagkakataon ko na to.Ito na ang tamang panahon para mag sorry dahil sa pagsigaw ko sa kanya.
At sinundan ko na nga siya.Hindi ko alam kung saan siya papunta pero base sa direksyon niya ay parang sa Dept. building ang punta niya.
Nagtago lang ako sa mga poste o halamang nadadaanan namin para hindi niya ako makita.Kailangang mag sorry ako sa kanya sa isang tagong lugar.Baka kapag nakita nanaman ako ni Cindy baka hindi na lang project ko ang sirain nun.Malay ko ba kung anu ang mga kaya niyang gawin.
Base sa mga napapanood kong description ng mga babaeng obsessed sa isang lalaki sa mga teleserye,pwede niya akong ipa kidnap tapos torturin.O kaya naman abangan niya ako sa labas ng school para bugbugin,pwede niya ring bantaan ako na sisirain ang buhay ko,or worst baka patayin niya pa ako!
Hay anu ba tong iniisip ko! Overthingking,overthingking ang papapatay sakin at hindi si Cindy!
Napatigil ako sa pag iisip ng mga bagay na pwedeng gawin sakin ni Cindy bilang isang obsessed kay Red ng pumasok si Red sa Dept. building.
So tama nga ako,dito ang punta niya.Susunod na sana ako sa kanya ng maalala ko kung ano ang itsura ko ngayon.
Hindi pala ako pwedeng pumasok diyan.Kapag may teacher na nakakita sakin na parang basang sisiw lagot ako.Isa kase sa mga nakalagay sa students handbook ng school ay ang panatiliing maayos at malinis ang sarili namin,at kailangan lagi kaming mukang plessant.Tsk.
BINABASA MO ANG
Stealing Red Lazaro
General FictionLove,hatred and forgiveness.In the love story that is full of secrets,and filled with sacrifices...witch one will prevail?