"Good morning ma'am."Bati sakin ng guard ng condo building na pinapasukan ko ngayon.Tumango lang ako.
God! Mag aalas kwatro palang ng umaga pero heto na ako!
Sumakay ako sa lift at pinidot ang ika 8th floor.Nang makarating na ako sa ika walong palapag ay agad akong naglakad palabas habang inaantok pa.
Tiningnan ko ang hawak kong kapirasong papel.Sabi dito sa Manila Condo,ika 8th floor,unit 15.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang pabalik-balik ang tingin sa papel na hawak ko at sa mga pintong nadadaanan ko.
12...13...14...
GOTCHA!
Sandali ko pang tiningnan ang pinto ng unit staka huminga ng malalim at kumatok.
Walang nagbukas.Isa pa.Wala ulit.Last na.Wala pa rin.
Anu ba! Pinagtitripan lang ba ako nun?!
Nagpasya na akong umalis ng biglang bumukas ang pinto.
"Bakit ang tagal mo?!"Bungad niya.At siya pa talaga ang may karapatang mainis ngayon ha!
"Ah kase po,kanina lang 45 minutes ago,ang sarap-sarap ng tulog ko ng biglang may isang lapastangan ang bumulabog sakin para lang papuntahin ako sa isang lugar na hindi ko nga alam na nage-exist pala."Inis kong sabi."At alam mo ba ang mas nakakatuwa dun? Ngayon nasa harap ko siya habang salubong ang kilay at tinatanong ako kung bakit ngayon lang ako!"Napatakip siya ng tenga dahil sa pag sigaw ko.
"Ang dami mong dada.Ang ingay-ingay mo,mamaya maka istorbo ka pa ng ibang tao diyan.Kung maka sigaw ka parang may built in mega phone diyan sa lalamunan mo.Pumasok ka na nga."Sinamaan ko siya ng tingin.As in yung masama talaga.
Concern siya na baka may magising kaming iba dahil sa pagsisigawan namin samantalang ako walang habas niyang binulabog!
Sumunod na lang din ako sa kanya at pumasok sa loob.Sa una nag alangan pa akong pumasok kase nga ngayon lang ako papasok sa condo ng isang lalaki,yeah isang lalaki,lapastangang lalaki!
Panay lang ang tingin ko sa paligid habang nakatayo sa isang sulok.Hindi ko alam ang gagawin ko.
Hindi ko alam kung paano ba ako dapat umarte sa harap niya.E kasi naman,for pete's sake,this fast few days napapadalas ang pagkaka dawit ko sa kanya.
Hay...Red Lazaro,anu bang meron sayo?
"Alam mo,libre lang umupo."Natauhan naman ako.
"A-ah...o-oo nga."Umupo ako sa sofa at muling pinasadahan ng tingin ang buong condo niya.
Ang swerte ko...sobrang swerte ko.
Maraming babae diyan sa labas ang nagkakandarapa na mahawakan,makayakap,mahalikan,o kahit madikit lang sa kanya,pero eto ako ngayon.Nasa condo niya.Nakakausap siya,nalalapitan,at nakakausap pa.
"Oh,dalhin mo to."Nagulat ako ng biglang may isang malaking bag siyang inihagis sakin.
"Anong gagawin ko dito?"Tanong ko.Hindi siya sumagot at sa halip ay tiningnan niya lang ako.Yung mga tingin na nagsasabing 'wag mo ng hayaang pilosopohin pa kita'.
"Sabi ko nga.Bag,binibitbit,binubuhat."Umiling-iling pa siya bago niya ako tuluyang iniwan dito sa sala.Tsk.
I lang minuto pa ang lumipas bago siya tuluyang lumabas ng kwarto niya.Nakabihis na siya.At...ang gwapo niya.
"Wear this."May inabot siya saking isang sunnies."At wag mo ng itanong kung ano yan."
"Excuse me,alam ko kung ano to.Ang itatanong ko ay kung bakit kailangan kong magsuot nito?"Napabuntong hininga naman siya.

BINABASA MO ANG
Stealing Red Lazaro
General FictionLove,hatred and forgiveness.In the love story that is full of secrets,and filled with sacrifices...witch one will prevail?