Chapter 8

75 1 3
                                    

"Jayden's POV"

Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Hindi ako mapakali, yung feeling na gusto mo siyang makasama lagi. Para bang kulang ka kapag wala siya. Ano ba kasi ang meron siya na nahumaling ako? Sa dami-daming babae sa mundo bakit siya pa? Tama kayo yong saying na " The more you hate, the more you love?" Si cupido naman kasi wala sa tamang oras, ayan tuloy unti-unti na naman akong na nahuhulog sa di tamang babae.

Bakit iba ang sinisigaw ng puso ko, iba rin ang sinisigaw ng utak ko? Hindi ba pwedeng just go with the flow nalang? Ang hirap naman nito.

Habang naglalakad sa Hallway ng school may napansin akong familiar na tao. Binilisan ko ng konti ang lakad ko para makita kong sino yong familiar na tao. Yung nga lang hindi ko na naabutan,umalis na ata sila.

*KKKKKRRRIIINNGGGG *KKKRRRIIINNNGGG *KKKRRRIIINNNGGG

"Hello Dad? Napatawag ka ata?" masaya kong tanong sa kanya.

"Anak! Kadadating ko nga lang eh!! By the way anak i'll meet you later sa restaurant ng tita maychen mo at 7pm." Masayang tanong ni Dad.

"Sure po Dad" diretso kong sagot sa kanya.

Papunta na sana ako sa gate para hintayin si Manong Driver. Nang may nakasalubong akong classmate ni Impakta. Binilisan ko ang lakad ko at sinundan siya. Naghintay muna ako ng saktong tiempo para tanongin siya. Ang dami kasing babae, yung fans club ko ata. Nang makalabas na kami malapit sa gate,saktong-saktong dumating si Manong driver kaya hinatak ko diretso yung babae papasok sa sasakyan.

"Miss Beautiful! Diba classmate may classmate kang bago, yung maganda..am yong palaging nakabuntot ni Loraine?" Direstohan kong tinanong yong babae kahit hinihingal pa ako. Pero nagsign language muna ako kay Manong Driver na mamaya na aalis.

"Sino ba don?Ang dami kasing new student sa class namin eh! Baka si Shaylie yan? sagot noong babaeng nagiisip ng todo-todo.

"Ano kamo? Shay....Shaylie?" tanong ko ulit.

"Oo, S-H-A-Y-L-I-E!! SHAYLIE! Gets mo kuya?" Spelling-spelling niyang sagot. Akala mo naman sumali ng Spelling Contest.

"Oookkaaayy!!!!" ito lang ang nasagot ko sa babae, para bang naubusan ako ng words.

Binuksan kaagad ni Miss Beautiful ang sasakyan at lumabas, pero bago siya makalayo. Tinanong ko muna siya.

"Miss Beautiful? Anong Pangalan mo? Jayden Monteverde nga pala!" inabaot ko ang kamay para makipagshake-hands.

"KREA! Kristine Rose Evangelista Abella!" inabot niya rin kamay niya para makashake-hands kami.

"Thank you KREA! Next time ulit, mauna na ako. Bye!" hinalikan ko ang kanyang kamay, alam mo na kapag mga astig na lalaki may iba't-ibang paraan para masiyahan ang babae.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Habang nagmamaneho si Manong Driver tanong siya ng tanong sakin kung sino yong babae kanina. Girlfriend ko ba raw yon.

"Manong Driver!! Alam mo naman ata ang mga the moves nating mga lalaki diba? Yon yun!" sagot ko habang nakatingin sa mga naglalakihang buildings.

"Aba siyempre!! Alam na alam ko yan! Ako pa ehh chick boy to, noong mga kapanahunan ko pa." pagmamalaki niyang sagot sakin.

"Yan naman pala eh." tinapik ko ang likoran ni Manong Driver.

Siguro si Manong Driver na ang pinakaloyal naming trabahante. 15 years na siyang nasisilbe para sa aming pamilya. All around pa siya paminsan-minsan kapag may umaalis na maid sa bahay. Kaya itong si Manong Driver malapit na malapit na sa aming pamilya. Malayo naman kasi ang pamilya niya nasa Mindanao ata. Pinakapaborito ko sa lahat itong Manong Driver dahil masayahin siya.

Silent BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon