“Shaylie's POV"
Halimaw na yun!!!Epal na nga makapal pa ang mukha. Nakakasira ng araw, may pakiss-kiss pang nalalaman. “Lang hiya.” Nakakairita na talaga ang Halimaw na yon. Hindi na siya nakakatawa. Nakakainlove na siya. Bakit ganito? Naiirita ako kapag nasa tabi ko siya, pero kapag naglaho na siya,nawawala. Anong paki ko kung mayaman sila. Ang importante ay kasama ko siya kanina. Buhay nga naman puno ng kasinungalingan.
Kahit nasa kwarto na ako ngayon, hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanina. Para bang ang halik niya ay tumatak sa na sa aking puso't isipan. “Ano ba naman kasi ang pinasok mo Shaylie, ayan tuloy nagkakaproblema ka na.” ani ng utak ko. Walang akong pakialam basta masaya ako, bahala na yang mga problemang yan, idadaan ko lang yan sa tawa.
Gwapo naman pala talaga itong si Halimaw, kaso nga lang masama lang talaga ang ugali niya. “Pero bakit kaya bet na bet siya ng mga babae sa school?” tanong ko sa sarili ko. Guminaw ang simoy ng hangi sa paligid, yong parang may taong nakatingin sayo. Guminaw pa ito ng sobra hanggang sa tumindig na ang mga balahibo ko.
Nagmadali kong inilatag ang kumot ko sa kama at tinabunan ko ang buong katawan. Hindi kaya may multo sa bintana. Dahan-dahan kong inangat ang kumot ko. Pero wala naman akong nakita, ehh di natulog nalang ako.
*KKKRRIIINNNGGG!!!KKKRRIIINNNGG!!!* tunog ng alarm clock ko.
Ang aga-aga naman kasi nambabadtrip na itong alarm clock ko. Kaya ayun wala naman akong magawa may pasok pa ngayon, Friday pa kasi. Akalain mo nga naman halos isang linggo pa ako sa Sky International, pero ang dami ko ng pinagdaanan.
Bumaba na ako pagkatapos magbihis. Nakita ko si Manang Noreen. Nagluluto ng agahan, ayun umupo muna ako sa upuan sa sala para naman malibang ko ang sarili ko. Nagulat ako ng bigla akong tinulak ni Mommy.
“Mommy!!Ano ba?” pagalit kung tanong sa kanya.
“May pasok pala kayo kahit sabado?” pagdadalawang isip na tanong ni Mommy.
“Mommy, Friday naman kasi ngayon hindi naman kasi Sabado!"tumayo ako habang nagsasalita kay Mommy.
“Anak! Ano ba ang nakain mo at hindi mo na maalala ang petsa ngayon? Tignan mo sa Calendar.
Kumaripas ako malapit sa calendar at nakitang sabado nga ngayon. “Sorry Mommy, nagsisipag lang po ata akong mag-aral.” sagot ko at ngumiti ng malaki.
“Mam, Shaylie! Handa na po ang pagkain. Mag-almusal na po kayo.” ani ni manang Noreen.
“Oo sige!!Sumabay ka rin sa amin. Para isang hugasan nalang manang at samahan mo rin ako mamaya mamamalengke tayo.” ani ni Mommy sabay upo sa hapagkainan. “Shaylie anak hindi kaba sasama sa amin mamaya?” tanong ni Mommy.
“Wag na po” sagot ko habang kumukuha ng bacon.
“*Bip *Bip” Vibrate ng Phone ko.
Loraine:
Friend free ka ba mamaya? Shopping tayo friend or manood tayo ng sine? Ano friend go? Hahahaha. Libre ko naman lahat friend eh. :-) Good Morning.
Gusto niyang magshopping! Baka gawin lang akong maid nitong Loraine na to. Pwede na rin to no, libre kaya.
“Mommy, pwede ba akong magshopping kasama ang classmate ko?” pahiya kung tanong ni Mommy.
“Oh sige! Mamamalengke naman kami mamaya. Mahirap ng ikaw lang ang nag-iisa dito."
“Thank You Mommy!!The best po talaga kayo." Tumayo ako at niyakap ko si Mommy para naman bigyan niya ako ng pera.
Lumipas ang oras na parang bula. Ang dali ng nangyari. Nakarating na sila Mommy galing sa palengke at grocery store, pero itong si Loraine hindi pa dumadating. Tiyak napapaganda na naman yun, kahit nasa school nga palaging naka make-up.
BINABASA MO ANG
Silent Bitch
RandomSiya si Jayden Monteverde ang tinitilian ng mga babae sa Sky International Academy. Siya ang ideal man ng mga babae dahil nga sa kanyang kagwapohan, ngunit bobo sa larangan ng pag-ibig. Eto ang lucky girl! Shaylie Patricia ang pangalan niya at pagsi...