10 Days Left
By: AceNaver
IG:@acenaver.vbb
Tiktok: acenaver
Copyright ⓒ 2019. All rights ReservedChapter 4: We're Caught
Ley's P. O. V:
"Miss Ley Faith" napatigil ako sa pagsusulat ng notes ng bigla akong tawagin ni Mam
"Yes po?" sabi ko
Pati mga classmate ko ay nakatingin din sa akin.
"Mag-usap tayo sa labas" sabi ni Mam. Tumango naman ako
May idea naman na ako kung ano ang sasabihin niya eh at nu'ng makalabas na ako ng room at makausap siya ay tama nga ang nasa isip kong 'yon.
"Sabi ng Chairman maaga ka daw ipadismiss at pumunta ka daw sa Company office niya. May maghahatid na sa'yo do'n sa labas ng gate kaya 'di ka na mamomroblema sa biyahe" napangiti ako
"Sige po Mam!"
"Sige, mag-ingat ka!" sabi niya
Napangiti ako. Alam din ng mga guro dito sa school ang kalagayan ko. Alam nila ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral dito ng libre na hindi naman alam ng mga estudyante. Si Xhyla lang ang sinabihan ko. Tingin ko kasi 'di pwedeng malaman ng iba dahil maaring masira ang plano ko
Pumasok ako pabalik sa room at niligpit ang gamit ko. Sinoot ko na ang bag ko sabay sila'y kay Xhyla.
"Alis na 'ko" sabi ko ng walang tunog na naintindihan naman niya sabay kaway at tango
Nagflying kiss pa ako sa kaniya. Napadako naman ang tingin ko kay Shawn na nakakunot noo. Nginitian ko lang siya at nagbabye din. Tumingin din naman ako kay Mam.
"Sige po Mam, Thank you po!" sabi ko
Nakita ko naman ang maghahatid sa akin sa labas ng gate. Sumakay na ako ro'n. Ang bait talaga ni Chairman kasi may maghahatid pa sa akin! Wala pa 'man din akong pamasahe.
Halos 1hr din ang byahe. Malayo kasi ang kompanya nila. Nakarating na rin ako doon. Pinagmasdan ko pa ang mataas na building mula sa labas sabay hinga ng malalim. Palagi ko naman kasi 'yong ginagawa.
Kilala na ako ng mga tao sa loob. Alam na nila kung bakit ako naroon. Kahit paminsan-minsan lang ako mapadpad dito ay kaclose ko na ang mga tao. Ganu'n kasi ako kadaldal eh!
Pumasok ako sa private elevator. Private elevator ang pinapagamit sa akin ni chairman. Special daw kasi ako! Hehehe
Naramdaman ko naman ang pagvibrate ng phone ko. Kinuha ko 'yun sa bulsa ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Napakunot noo ako ng makita na unregister ang number pero sinagot ko parin.
"Hello?"
"Nasaan ka?!"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses na 'yon. Bigla kong napindot ang emergency stop ng elevator
"Sh-Shawn?!" nauutal kong sabi
"Miss Ley, may problema po ba?" rinig ko mula sa speaker sa loob ng elevator
BINABASA MO ANG
10 Days Left (COMPLETED)
Teen Fiction#1 Story Title: 10 Days Left Genre: Drama, Comedy, Short Story, Romance, Teen Fiction, School Days Date Started: May 26, 2019 Date Ended: August 25, 2019 Chapters: 10 Story Description: Ley was studying in one of the famous school academy in Philipp...