Chapter 10: I'm His Girlfriend

91 6 0
                                    

10 Days Left
By: AceNaver
IG:@acenaver.vbb
Tiktok: acenaver
Copyright ⓒ 2019. All rights Reserved

Chapter 10: I'm His Girlfriend

Ley's P. O. V:

"Shawn...." sambit ko sa pangalan niya

All I can do was to cry. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko at dahan-dahan ko itong binawi.

Napaatras ako ng isang hakbang mula sa kaniya at napayuko sabay hawak sa dibdib kong sobrang lakas at bilis ng pagtibok.

"Ley, bakit mo ba 'to ginagawa?" hindi ko alam kung ano ang sasabihin pakiramdam ko masisiraan na ako ng bait.

Doon ko tuloy mas lalong napagtanto kung gaano ako kabaliw sa kaniya. Desperada kong pinunasan ang luha ko gamit ang palad ko. Napatingin ako sa paa niyang biglang humakbang. Napaatras ako lalo ng apat na beses.

"'W-Wa-Wag kang la-la-lalapit!" natatakot kong sabi sabay singhot

"Ley...," rinig kong sabi ni Xhyla. Titignan ko sana siya ng magsalitang muli si Shawn.

"Ako na ang bahalang umayos nito Xhyla!" napatingin ako sa kaniya

Mali man pero naramdaman ko. Nagselos ako ng sinabi niya 'yun mismo sa harap ko. Parang pinamumukha niya sa akin na ayaw niyang mamroblema pa si Xhyla. Ok lang na siya ang mahirapan 'wag lang si Xhyla....

Tinitigan ko siya habang ang luha ko ay tuloy-tuloy na sa pagdaloy. Ngumiti ako at alam kong ang ngiting 'yon ay bakas ng mga lungkot.

Ang sama ko! Ang sama-sama ko. Tama si Sen, sinasaktan ko nga si Shawn. Pero 'di ko na kaya eh!

Bumigat ang bawat paghikbi ko. Ramdam na ramdam ko na rin ang pamamaga ng mata ko. Kailan ba kasi ako hihinto sa pag-iyak?

"I'm sorry......" puro na lang ba sorry Ley? 'Yan na lang ba ang lalabas sa bibig mo?

Tumakbo ako palabas ng court. Napaka sama kong tao. I hurt my him! I hurt Shawn!

"LEY!" rinig kong sigaw niya. 'Di ako lumingon at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

Tinahak ko ang daan papunta sa room namin. Pagkapasok ko roon ay muli akong nagtago sa ilalim ng teachers table. Medyo kumalma ako pero nandoon parin ang kaba. Habol ko parin ang hinga ko. Dahil sa pagtakbo at sa pinaghalong mga nararamdaman.

Ang tanga mo Ley! Imbis na malapit na kayo sa isa't-isa sinayang mo pa dahil diyan sa peste mong nararamdaman! Nasasaktan mo tuloy si Shawn! At galit nanaman siya sa'yo.

Tinupi ko ang mga binti ko at niyakap palapit sa akin. I cried and cried pero nahinto 'yun ng makarinig ako ng mga paghakbang. Nanlaki ang mata ko at pilit na tinakpan ang bibig ko gamit ang mga kamay ko.

Yumuko ako sa tuhod ko at pumikit ng madiin. Ley! Huminahon ka naman!

"Ley! Nasaan ka?!" naramdaman ko ang panginginig ko ng marinig ko ang boses niya

Alam kong siya 'yun!

Narinig ko pa ang ilang mga hakbang niya pero maya-maya tumahimik din. Wala na siya Ley! Wala na siya....

Inangat ko ang ulo ko para sana sumilip pero ng makita ko ang taong kaharap ko ngayon ay halos maramdaman ko na ang pagluwa ng mata ko sa mas lalong pagkagulat at ang puso kong pilit ng kumakawala sa dibdib ko.

10 Days Left (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon