Chapter 7: Everything Is Done

59 4 0
                                    

10 Days Left
By: AceNaver
IG:@acenaver.vbb
Tiktok: acenaver
Copyright ⓒ 2019. All rights Reserved

Chapter 7: Everything Is Done

Ley's P. O. V:

Habang naglalakad ako papasok ng school ay 'di ko mapigilan na hindi mag-isip kung ano ang magandang gawin para kanila Xhyla at Shawn. Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kahapon 'di ko mapigilang mangilid ang mga luha sa mata ko.

May biglang umakbay sa akin. Tinignan ko kung sino 'yon at nakitang si Sen.

"Goodmorning!" bati niya sa akin habang nakangiti "Stop making that face Ley! Hindi 'yan makakatulong" sabi niya

Umiwas ako ng tingin sa kaniya at napayuko.

"Ano ba ang makakatulong Sen? Pakiramdam ko kasi kasalanan ko ang lahat. Pakiramdam ko responsibilidad ko ang nangyari" tuluyan na talagang tumulo ang luha ko

"Wala kang kasalanan!"

Napatingin ako sa bandang likod ko at ganoon din si Sen ng marinig naming may nagsalita. Si Shawn 'yon!

Inalis ni Sen ang kamay niyang nakaakbay sa akin at lapit kay Shawn. Agad ko namang pinunasan ang luha ko

"Magandang umaga pre!" nakangising sabi ni Sen. Tinignan siya bigla ni Shawn ng masama na ikinataka ko "ito naman galit agad!" sabi niya sabay ngisi

Lumapit naman sa akin si Shawn at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako at nagmadaling maglakad.

"Sandali lang Shawn!" sabi ko. Nilingon niya ako saka huminto at bumuntong hininga

"Wala kang kasalan Ley. Sa tingin ko mangyayari talaga ang ganitong bagay, kaya 'di mo kasalanan 'yon" nginitian niya ako. Ito ang unang beses na ngumiti siya sa akin pero may halong lungkot.

Tumango ako. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya

"Sige, mauuna na ako. Titignan ko kung nandoon na si Xhyla sa room. Tutuparin ko ang pangako ko." bumitaw na ako sa kaniya at nagmadaling pumunta ng classroom

Gustong-gusto ko na kasi talaga siyang makausap kahapon pa. Hindi niya kasi nirereplayan ang mga chat ko sa kaniya pati ang tawag ko 'di niya sinasagot. Pero pagkadating ko sa room ay wala siya do'n maya-maya pa ay nakarating na din si Shawn.

"Wala pa siya!" sabi ko. Tinignan niya lang ako sabay napabuntong hininga.

Kahit nagsimula na ang klase ay wala paring Xhyla na dumating. Napakagat ako sa ibabang labi ko at nagtext sa kaniya.

"Xhyla, please pumasok ka. Mag-usap tayo!!" text ko

At mukhang dininig naman ako dahil lumipas ang pangatlo naming subject ay dumating siya. Napangiti ako ng makita siya pero kahit ni isang sulyap ay 'di niya ako binigyan. Lumipas ang mga oras. Kahit nu'ng break time ay 'di niya rin ako nilapitan. Umalis lang siya ng room at 'di ko mahanap kung nasaan siya. At ngayong uwian na ay wala parin siyang imik. Dire-diretso lang siyang lumabas ng room.

Hahabulin ko siya pero pinigilan ako ni Shawn.

"Ley, sa tingin ko kailangan muna natin siyang pabayaan" sabi ni Shawn.

Agad akong umiling

"Hindi Shawn, nangako ako sa'yo. Isa pa...," malungkot akong napatungo ng may maalala

10 Days Left (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon