Epilogue

106 5 0
                                    

10 Days Left
By: AceNaver
IG:@acenaver.vbb
Tiktok: acenaver
Copyright ⓒ 2019. All rights Reserved

Epilogue:

Shawn's P. O. V:

"Shawn, reunion niyo 'yun na magkakamag-anak. 'Di ako pwedeng sumama isa pa, 'di ko pa hinaharap si Chairman simula ng maging tayo eh!" tinignan ko siya ng masama

"Siguro ayaw mo talaga akong makasama noh?! Mag-iisang taon na kasi tayong nagsasama kaya pinagsasawaan mo na ako" akto kong pagtatampo

Dalawang linggo kami roon sa probinsya kaya gusto ko siyang kasama. Ayokong mawalay sa kaniya ng ganoon katagal!

Bigla siyang nagpout na agad ikinaiwas ng tingin ko. Takte! Bakit ang ganda niyang tignan?

"Hindi naman ganu'n 'yun eh! Time niyo 'yon bilang magkakapamilya kaya dapat na 'di mo 'ko kasama para mas magkaroon ka ng oras kasama sila" Muli ko siyang tinitigan dahil sa sinabi niya. Eh pati naman ang iba kong pinsan ay isasama mga syota nila! Tsk!

"Eh gusto nga kitang kasama do----"

"SHAWN NAMAN!" nagulat ako ng sumigaw siya. Napakurap pa ako!

Unang beses niya akong sinigawan sa galit na boses at 'di ko inaasahan 'yon. Tinignan niya ako ng masama sabay iwan sa akin dito sa loob ng restaurant na kinakainan namin. Natulala ako. 'Di kaya..... Nagsasawa na siya sa akin?

Hahabulin ko na sana siya pero 'di na siya nahagip ng mata ko. Kinabahan ako pero nangibabaw ang pagkainis. Subukan niya lang akong pagsawaan mas lalo ko lang siyang ihuhulog sa akin!

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko para matawagan siya.

"Nasaan ka?!" tanong ko sa matigas na tono. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya

"Sorry! Ito na, babalik na ako" lihim akong napangiti dahil sa narinig, 'di niya talaga ako matitiis

Hinintay ko siya at ng makadating siya ay bakas ang takot sa mukha niya. Tinaasan ko siya ng kilay at mas lalo pa siyang natense. Napangisi ako sa loob-loob ko dahil sa reaksyon niya. Magsasalita na sana ako para pagalitan siya ng bigla niya akong yakapin. Natulala ako panandalian ng maramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko, alam na alam niya talaga kung paano ako lalambingin. Tsk!

"Sorry nasigawan kita kanina. Sasama na din ako para 'di ka magalit"

"Sasama ka din pala eh!" saad ko sabay yakap din sa kaniya pabalik "lumalakas na din ang loob mo ah! Sinisigawan mo na ako!" humigpit bigla ang pagkakayakap niya. Sabi na nga ba eh! 'Di niya talaga ako matitiis.

Hinatid ko na siya sa bahay nila para makapag prepare ng gagamitin pati na din ang ipaalam siya. Malakas ako sa Mama ni Ley kaya kahit anong ipaalam ko ay papayag siya. Isa lang naman ang bilin niya sa akin at 'yon ay bantayan at ingatan kong mabuti ang anak niya.

"Sandali lang ah, sagutin ko lang ang tumatawag" paalam ni Ley sa amin ng Mama niya mula sa hapag kainan. Tinitigan ko siya

"Sino 'yan?" pinakita niya sa akin 'yung caller at nabasa ko na si Xhyla 'yon "pwede naman kahit 'di ka na umalis para makausap si Xhyla ah!"

Umiwas siya ng tingin sa akin na ikinataka ko.

"Ahm, importante lang 'tong pag-uusapan namin. Sandali lang talaga!" saad niya at dali-daling umalis

10 Days Left (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon