Chapter 9: He's Mad

75 5 0
                                    

10 Days Left
By: AceNaver
IG:@acenaver.vbb
Tiktok: acenaver
Copyright ⓒ 2019. All rights Reserved

Chapter 9: He's Mad

Ley's P. O. V:

Pinatawag ako ni Mam. Marquez sa faculty.

"Ito na 'yung bag mo" sabi niya

Naiwan ko kasi 'yung bag ko kahapon. Kay Mam. Marquez din kasi ako nagpatulong para makauwi. Lahat kasi ng mga staff sa school ay alam ang mission ko. Kahapon ko lang nga nalaman eh dahil kinausap ko si Mam. Sila pala ang nagsisilbing mata ni Chairman sa mga ginagawa ko at ni Shawn.

"Mam, maraming salamat po ah!" Saad ko. Tinitigan niya ako sabay napabuntong hininga

"Ley, sa tingin mo tama ang desisyon mo?" Tanong ni Mam. Medyo napayuko ako at nag-isip.

"Mam, masaya po si Shawn ngayon. Masaya po ako para sa kaniya pero mas nangingibabaw ang sakit na ang sayang nararamdaman niya ay para sa iba. Ayokong makagulo sa kung anong nararamdaman niya ngayon. Mas ok na 'yung ako ang masaktan kaysa siya"

"Sa tingin mo ba masaya siya sa ginagawa mong 'to?" Napatitig ako kay Mam dahil sa tanong niyang 'yon. Masaya nga ba siya? "Haayy naku! Kayo talagang mga bata, ang dami niyo pang pagdadaanan pero inii-stress niyo masyado ang sarili niyo"

Hindi ako nakapagsalita. 'Di ko alam kung anong response ang gagawin ko dahil sa mga narinig mula sa kaniya.

"I think, you must try to talk to him Ley" nakangiti niyang payo "sige na, pumunta ka na sa room mo" tumango ako

Hindi kasi ako pumasok sa mga unang subject dahil sa mga nangyari kahapon. Nainis ako bigla sa sarili ko. Kahapon nagcutting ako tapos ngayon naman 'di ko pinasukan ang una kong mga subject. Masyado ko ng napapabayaan pag-aaral ko!

Break time ako pumasok para 'di masyadong abala kung may instructor ba o wala. Pati na rin iwas atensyon.

Nagulat ako ng makita ang iilan kong classmate na nasa room na napatigil sa ginagawa dahil sa pagdating ko

"M-May problema ba?" Tanong ko

Lumapit naman ang isa kong kaklase sa akin.

"Ley, nag-iikot kasi si Shawn. Hinahanap ka niya sa bawat section ng department natin. Sa tingin ko kailangan mo siyang hara---" napatigil siya dahil sa reaksyon ko

Bigla kasi akong naiyak at kinabahan. Alam na agad niya na lumipat ako ng ibang section? Paniguradong galit siya sa akin dahil sa ginawa ko kahapon.

"Hala! Mailyn pinaiyak mo si Ley!" Rinig kong pang-aasar sa kaniya ng iba naming kaklase

"Oy-Oy hi-hindi ah!" Sabi niya sabay muling baling sa akin "Ley, ayos ka lang ba---" naputol naman siya sa pagsasalita ng may dumating sa room at nanlaki ang mata ko ng makitang si Sen 'yun

"Papunta na dito si Shawn. I-welcome natin siya kahit wala dito si Le---" nanlaki ang mata niya ng makita ako at agad-agad na lumapit sa akin "H-Hoy L-Ley! B-Bakit ka nandito?"

'Di ko siya nasagot kaya agad siyang tumalikod para muling lumabas at sigurado akong pupuntahan niya si Shawn. Hinawakan ko siya sa braso niya bago niya pa magawa ang binabalak niya

"S-Sen, please! Magpapaliwanag ako mamaya basta itago mo 'ko" tinignan ko ang mga classmate ko "itago niyo ko please!" Pagmamakaawa ko

10 Days Left (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon