Chapter 1: My Mission

66 5 0
                                    

10 Days Left
By: AceNaver
IG:@acenaver.vbb
Tiktok: acenaver
Copyright ⓒ 2019. All rights Reserved

Chapter 1: My Mission

Ley's P. O. V:

"Because whatever happens I still fight for him!" Deklara ko sa Chairman ng school namin

Kita ko ang gulat sa mga mata niya sabay napailing.

"Pero sampung araw nalang ang natitira sa'yo Ley. May magagawa ka pa ba?" tanong niya sa akin.

Alam kong madaming araw ang nasayang pero kahit Sampung araw nalang ang natitira sa akin ay 'di parin ako nawawalan ng pag-asa

"Don't worry Sir! I'm not giving up!" sabi ko pa sabay saludo.

Umalis naman na ako sa chairman's office sabay tungo pabalik sa classroom ko.

Naiisip ko palang ang mga nangyari sa akin noon bigla ko nalang 'di mapigilan ngumiti. Pero ng maalala ko ang bagay na aking dapat gawin, napapaseryoso nalang ako bigla.

I had a mission.

At anong mission?

Kailangan kong mabago ang malamig, masungit, nakakatakot, at matigas na pagkatao ni Shawn.

Sino si Shawn?

Ang one and only knight in shining armor ng buhay ko ahihihi. Ang landi!

Sa loob ng tatlong buwan kailangan kong mabago ang ugali ni Shawn pero ang tatlong buwan na 'yun ay unti-unti ng nauubos at sampung araw nalang ang natitira. Ang masaklap pa roon ay wala akong makitang pagbabago sa kaniya. Haaayyy!

Ang mission ding 'yon ang dahilan kung bakit ako nakakapag-aral sa isang napakaganda at kilalang school sa buong pilipinas. Syempre 'di ko afford ang tuition fees at tanging matatalino lang ang nakakapag-aral ng libre dito. Sadyang madiskarte lang ako kaya nakayanan kong makapasok rito.

At ang kadiskartehan na 'yon ay may kinalaman sa mission ko.

Si Shawn kasi ay anak ng may-ari ng school which is the chairman na kausap ko kanina. Sabi ng Chairman basta lang daw mabago ko ang ugali ni Shawn ay makakapag-aral ako ng libre dito kahit pa 'di ako matalino.

Hindi naman kasi talaga ako mag-aaral dito eh pero dahil daig ko pa ang stalker kakasunod sa kung saan man si Shawn ay napilitan akong mag-enroll dito, syempre, nandito din siya eh.

Kuntento naman ako sa hanggang tingin lang kaya lang kailangan kong gawin ang mission para makita ko siya palagi. Hindi ko rin naman pinagsisihan ang bagay na 'yon dahil nalalapitan ko na siya.

"Ley, saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap eh!" salubong sa akin ng kaibigan kong si Xhyla

Sasagutin ko na sana siya ng biglang lumaki ang tenga ko at lumakas ang aking radar ng may marinig akong sigaw na pangalan

"Shawn!" tinignan ko ang sumigaw sa pangalan ng my dear Shawn ko at wala namang iba kundi si Sen

Pinagmasdan ko siya hanggang sa makalapit siya kay Shawn. Hindi naman gaano kalayo ang pwesto nila sa amin kaya rinig ko ang pinag-uusapan nila.

"May Practice tayo mamaya, sabay na tayong pumunta ng gym" sabi pa ni Sen

Hindi sumagot si Shawn at nagpatuloy lang sa paglalakad papasok ng room. Dahil iba ang section ni Sen at malapit na ang oras ng klase ay 'di na niya nakulit pa si Shawn. Bigla akong napangiti. May papanoorin nanaman kasi akong practice bago umuwi.

10 Days Left (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon