CHAPTER 5

110 7 2
                                    

Wala pang ala-una ay nakauwi na si Justin sa bahay nila.














Wala din kasi ang professor ng last subject niya kaya maaga siya nakauwi.














"Aga mo ata, anak?" Nagtatakang tanong ng ina niya sa kanya na kasalukuyang nakaupo sa sofa at nanonood ng TV.













"Wala ‘yung prof namin, eh" sagot niya.














"Oh, siya. Tawagin kita mamaya kapag kakain na."














Tumango lang siya at nagtungo na sa kwarto niya.














Nagpalit siya ng pambahay at saglit na humilata sa kama niya dahil talagang napuyat siya sa mga homework niya kagabi.














In-alarm niya ang cellphone niya ng 3 o'clock para magawa niya ang mga homework niya at makapagbasa pa siya, tutal wala naman siyang pasok bukas.













NAGISING SI JUSTIN dahil sa lakas ng alarm niya.













Pinatay niya na ang alarm at naghilamos bago kinuha ang bag niya at inilabas ang mga notebook niya may homework.














Nilabas niya rin ang hiniram niyang libro at itinabi sa mga notebook niya na kasalukuyang nakapatong sa study table niya.














“Let’s do this” he said with a spirit.














Inuna niyang gawin ang homework niya sa Algebra, hindi naman ito ganoon kahirap sagutan kaya maaga siyang natapos at sinunod ang Principles of Marketing.














Kinailangan niya pang kunin ang libro niya at gumamit ng internet para maging kumpleto ang sagot niya.















Halos ilang minuto rin ang inilaan niya doon bago niya nagawa ang homework niya sa Statistics and Probability.













"Sa wakas tapos na rin" saad niya nang matapos niyanh gawin lahat ng homework niya at napainat pa dahil sa magdamag na pagkakaupo.













"Mag-alas sais na pala" giit niya nang mapatingin sa orasang nakapatong sa study table niya.













Inayos niya muna ang mga ginamit niya at inilagay sa bag ang mga notebook bago nagpasyang bumaba na.














"Buti bumaba ka na. Aakyatin na sana kita mamaya para makakain" sabi ng ina niya habang naghahanda ng pagkain sa lamesa.














"Anong ulam?" Tanong niya rito habang papalapit rito.














"Toge. Dinamihan ko ng tokwa dahil alam kong paborito mo ‘yun" ani nito.













Nakangiti siyang inakbayan ito.













"The best mother ka talaga—Aray! Bakit na naman?" Tanong niya rito pagkatapos nitong sikuhin ang sikmura niya.














I'm Inlove With A Fictional Character (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon