CHAPTER 8

72 6 1
                                        

Walang pasok si Justin kaya wala siyang magawa sa bahay.













"Ah, alam ko na."














Hinanap niya ang librong hawak niya kagabi.














Napangiti siya nang mahawakan niya iyon at bubuklatin na sana nang biglang tumunog ang cellphone niya.













Itinabi niya sa tabi niya ang libro at kinuha ang cellphone niyang nakapatong sa bedside table.













"Hello?"













"Hello, Jus, busy ka ba ngayon?"














Nagtaka siya sa biglang pagtatanong sa kanya ni Ashley.













Never kasi itong nagtatanong ng ganoon. Kadalasang tumatawag lang ito kapag may lakad silang magkakaibigan.













"Wala naman. Bakit?"













"Uhm... Ano kasi..."














Inaantay niyang itong magsalita pero parang nahihiya itong magbanggit sa kanya.














"Sabihin mo na sa ‘kin, Ash" ani niya.













"Uhm... Kasi... May inuutos sa ‘kin si Mommy pero... Hindi ko kasi kaya ng mag-isa ‘yon" nahihiyang turan nito.











Napangiti siya dahil halos pabulong nalang ang pagbanggit nito sa huling mga salita.













The always understanding but a shy type person. He said through his head.













"Oh, sige sasamahan kita” ani niya.














"T-talaga? Maraming-maraming salamat, Jus."















Napangiti nalang siya sa saya sa boses nito bago nito ibinaba ang tawag.














Kaibigan niya ito at syempre hindi niya kayang tanggihan ang kaibigan niya ng basta-basta nalang.













Muli siyang napatingin sa cellphone niya nang umilaw iyon.












From : Ash bait
Sa Mall nalang tayo magkikita mamayang 10 o'clock. Magkita tayo sa may entrance ng Mall. Thanks ulit.













Napailing-iling siya sa text nito at naghanap ng pwede niyang isuot.














8:30 na at kailangan niya pang bumyahe papunta roon, nakakahiya namang pag-intayin niya sa tapat ng Mall ang kaibigan niyang babae.













Hindi alam ng mga kaibigan niya ang name ng mga ito sa contacts niya samantalang nakita niya na ang sa mga ito at pangalan lang nila ang nakalagay pero kay Jonel, may ek ek na emoji pang nalalaman.












I'm Inlove With A Fictional Character (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon