CHAPTER 4

108 7 2
                                    

Naalimpungatan si Justin dahil sa katok na nanggagaling sa pinto ng kwarto niya.















Tumagilid siya ng higa at   ng unan sa tainga niya para hindi marinig ang mga katok, pero ang kaninang katok ay nasundan ng malakas na boses ng ina niya.














"Sige. ‘Wag ka pang bumangon ja’n tignan mo ipapadlock kita ng tuluyan para hindi ka na makalabas ng kwarto mo" ani nito.















Inis niyang tinanggal ang unan sa may tainga niya at bumangon.














"Eto na, eto na!" sigaw niya at pilit na tumayo kahit ayaw niya pa.














"Bilisan mo na ja’n. Kapag ako bumalik na hindi ka pa nakabihis tignan mo lang" muling sigaw nito pero hindi na siya nagkomento pa at kumilos nalang.














Napuyat kasi siya kagabi sa kakagawa ng sandamakmak na homework nila.














Hindi na rin siya nakasama sa group project nila dahil sa sobrang dami niyang homework.














Sa video call nalang nangyari ang group project nila, buti nalang at naintindihan siya ng mga kagrupo niya.













Pagkauwi palang ni Justin sa bahay galing school ay binuksan niya na kaagad ang laptop niya dahil nangako siyang magbubukas pagkauwi palang.













Nagbukas siya ng facebook account at nagtungo sa messenger at hinanap ang pangalan ng leader nila, dahil doon sila gagawa ng project nila.













"Pasensiya na talaga, guys" hinging paumanhin niya ulit kahit na nakahingi na siya ng sorry kanina.













"Okay lang ‘yun, ‘no. At saka tutulong ka naman, eh, like this. Kahit konting information lang okay na sa ‘min ‘yun. We all know na tinambakan kayo ng homework" paliwanag ng leader nila.














"Salamat talaga."














Nag-umpisa na silang magdiscuss ng mga gagawin nila at nagmumulti-tasking siya.














Habang wala silang masyadong tinatanong ay ginagawa niya ang ilang homework niya, at alam niyang sinasadya ng mga ito na ‘wag siyang masyadong tanungin.














Obvious naman na nakikita siya ng mga ito na gumagawa ng homework niya.















"Do you think, Jus, it's a good idea to put the information about Filipino and English language?"













Sandali siyang napaisip sa sinabi nito at kalaunan ay binigay ang suhestyon niya.














"Yes. I think it's a good idea. We can discuss the differences between Filipino and English language in our world and make some examples to proof it. Mas magandang i-discuss ang dalawang iyon dahil kung magpopokus tayo sa iisang topic hindi maliliwanagan ang mga makikinig sa dapat nating ipabatid" litanya niya.














I'm Inlove With A Fictional Character (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon