CHAPTER 9

71 7 0
                                    

Ilang buwan na rin ang nakakalipas at halos hindi maitago ni Justin ang sayang nararamdaman niya.













Ilang wattpad story na rin ang napanood niya ng live at buong-buo at sa bawat pagnood niya ay kasama niyang manood si Galey kaya ganoon nalang ang saya niya.













"You look stupid, you know that?"













Nakangiti siyang tumingin kay Galey na kasalukuyang nakaupo sa kama niya.













"Hindi ba pwedeng masaya lang ako?" Tanong niya rito habang nagsusuklay sa harap ng salamin.













"Tss! There's nothing to smile like that" saad nito at nagkrus pa ng mga braso.














"There is. And worth it" he said.













Napangiti siya lalo ng paikutin nito ang mga mata at tumayo.













"I'll go back to my world. If you want to see another stories in live, you know how to find me" she said.













Tumalikod na ito sa kanya at biglang nawala na parang bula.














Napailing-iling nalang siya at kinuha ang bag niya na nakapatong sa study table niya.













Sinigurado niyang hindi makikita ng ina niya ang librong iyon sa oras na pumasok ulit ito sa kwarto niya.














May isang beses na muntik na siyang mahuli, buti nalang bago pa tuluyang bumukas ang pinto ay nakabalik na siyq sa mundo nila.














Pagkababa niya ay ang palaging routine ng ina niya ang nakikita niya. Naghahanda ng pagkain, inaasikaso si Mika at sasabay sa kanilang kumain kapag kumpleto na sila.















"Good morning, Ma" bati niya rito.














"Morning" balik bati nito.













Hinalikan niya ito sa noo at umupo sa tapat na upuan nito.













Naging maayos ang agahan nila at kadalasan ay nagtatanong sa kanya.













Nitong mga nakaraang araw ay panay ang pagtatanong nito sa kanya, madalas na tungkol sa mga libro niya kaya naiisip niyang baka nakita nito ang librong iyon.













"Pasok na ‘ko" paalam niya.














Kinuha niya ang bag niya at parehas na hinalikan sa noo ang ina at kapatid niya.













I'm Inlove With A Fictional Character (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon