"Dito mo makikita ang lahat" ani Galey at binuksan ang napakataas at napakalaking pinto.
"Wow" tanging nasambit ni Justin nang makita ang napakaraming libro na nakalagay sa isang babasaging lalagyan.
"Pinanatili naming secured ang mga libro simula ng mangyari ang insidenteng iyon" litanya nito.
"Pinarusahan ka ba niya?" tanong niya rito.
Napatigil ito sa paglalakad at sandaling nanahimik bago nagpatuloy sa paglalakad.
Sumunod siya rito hanggang sa makarating sila sa isang lumulutang na digital computer na tanging screen lang ang meron.
"Tama ka. Naparusahan ako dahil sa ginawa ng lalaking iyon" ani nito.
“May kung anu-ano itong pinindot sa screen bago humarap sa kanya.
"Binuo ako para protektahan itong lugar na ito pero hindi ko nagawa ang nag-iisang misyon ko kaya... kaya mahirap para sa akin maghanap muli ng panibagong papapasukin" ani nito.
Hindi niya nagawang makasagot dahil biglang may nagpakitang malaking screen sa pagitan nilang dalawa.
"This is the list of all wattpad stories that maybe you already read or maybe not. In your world, the reality to be exact, we are just existing in a book or stories. We are just the main character and if the author decided to end it then our life will stop making another chapter of our life. But here, in our world you can literally see the every chapters of that story and we, fictional characters, exists here" she explained.
Magsasalita na sana siya nang biglang makarinig sila ng katok.
"May kumakatok" sabay turo niya sa napakalaking pinto, pero tinaasan lang siya nito ng kilay at nagkrus pa ang mga braso.
"Kakasabi ko lang sa ‘0yo kanina na ako lang ang nakakapasok rito at ang mga wattpad lovers na dinadala ko kaya paanong may kakatok sa pinto, huh?" Mataray nitong saad sa kanya.
"Pero—" hindi pa man siya tapos magsalita ay narinig niya ang isang pamilyar na boses.
"Justin? Natutulog ka na ba?"
"B-boses ni Mama ‘yun" utal utal na sabi niya kay Galey at muli siya nitong tinaasan ng kilay.
"Go to reality, go to your world. Just call me again if you want to see a story in live and full" she said.
![](https://img.wattpad.com/cover/198147366-288-k108556.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A Fictional Character (COMPLETED)
Historia CortaSHORT STORY "Welcome to Wattpad world, where is a fictional characters exists." He's just a college student who loves wattpad but he fell in love. All Rights Reserved @2019 ******* Cover by @Animoons DATE STARTED : August 25, 2019 DATE ENDED : Augus...