June 3, 2011.
First day of class,Monday.
7:30 ng umaga at biglang Kriiiinnngg!
ang hudyat ng bell na magsisimula na ang unang klase.
Habang naglalakad ako patungo sa room namin ay nakasalubong ko ang aking tropa noong ako ay first year palamang.(5 kami kasali na ako.)
"Mga brad long time no see" sabi ko sa kanila at sabik na sabik. Punung-puno ako ng saya na makita sila.
Nagbatian at nagkantyawan kami ng saglit na wari ay normal na sa amin.
Pumasok na ko sa silid aralan (Section A ako di ako makapaniwala) at nakipagkilala na ako sa mga bago kong kaklase.Oo nga pala ang pangalan ng bawat isa sa tropa ko.
Si Kurt,ang matalinong kong kaklase at naasahan sa mga activities.
Si Vincent o si VM,ang kengkoy ng klase at tropa.Si Al o si (Yuan) isa pang kengkoy pero pag seryoso ay seryoso .
Si Ark o si ( Yuto) naman ang kambal ni Al na mabait at suppotive na tropa.Kasama ko madalas ang kambal sa mga gimik.
Nang pumasok na ang guro namin sa math na si Liza Villareal ang adviser namin ay agad naman kaming pumunta sa sarisariling upuan.
"Good Morning Maam Liza Villareal"bati ng klase.Nagbigay ng description si mam sa klase niya .
"Good Morning class at buti ay kilala nyo ako,ako ang inyong adviser at kasalukuyang teacher sa math,ayoko ng tinutulugan ako sa klase ko"sabi ni mam ng seryosong wika.
Pagpapakilala pa lamang ay antok na ako.(Hayyyyyyy) sabay hikab sa sobrang antok ko.
Pagkatapos ng math ay sunod na ang Araling Panlipunan(AP).......Nang matapos na rin ang ito ay.....
YES!!! Break na sawakas dali dali akong pumunta sa canteen kasama ang tropa upang bumili ng makakain dahil kanina pa akong gutom."Tara bili tayo kambal ng makakain." sabi ko.
Bumuli na ako at umupo ako sa loob ng kubo at sumunod naman ang kambal.
Nakita ko naman ang isang magandang babae,makinis ang balat at chinita at nag-iisa sa kabilang kubo.
Sino kaya sya?Tanung ko sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
My Typical Girl
RomanceAng kwentong ito ay para sa lahat nang gustong kiligin.Makirelate sa kwento ng pagkainlove at sight. Dedicated para sa mga lalaki na pinapakiramdaman ang mga babaeng iniibig nila at para sa mga babaing manhid sa pagmamahal ng nagmamahal sa kanila. ...