Pang-apat Na Kabanata-Swerte Nga Naman

27 2 0
                                    

4:30 ng umaga,ako'y gumising ng maaga at excited na excited ako na makita siya sa school.

Kumain ako at habang kumakain ako ay napatunganga ako dahil naalala ko siya.5:00 am na at hindi pa ako nakakakain.

"Anu bayan hindi ako makapagseryoso dahil sa kanya pero masarap siya isipin."

Nang magsimula na ang nakakaantok at walang kamatayan math na dati ang hinanahanap lang ay numbers ngayon ay kasali na ang letters kagaya ng x at y.

Antok na ako ng biglang sabi ni Mam na..."Okay class,we have a new classmate,actually she came from Section B but the Facultily decided to put her in Section A because she is bright.

"Nagising ang diwa ko nang makita ko siya sa labas ng room at nagaantay papasukin ng aming guro."Okay kindly introduce yourself to us?"sabi ni mam sa kanya.

"Hi,I am Tricia Gonzales 14 years old." sabi ni Trisha sa klase.Sa mga oras na iyon ay napatunganga ako sa kanya dahil sa mahinhin niyang boses at gandang taglay.

"Ms.Gonzales,you will seat beside Mr. Manansala."Pag kasabi ni mam noon ay hindi na ako inantok hanggang mag lunch break.

Tuwing tumitingin ako sa kanya ay naiinspire ako mag-aral feeling ko nasa heaven na ko.

Alam nyo ba yung feeling na katabi mo yung crush mo lalo na sa klase,pasikat pa yung iba diba.Okay back to the story.....

"Trisha matalino ka pala eh kaya pala sabi mo sakin hindi ka makapaniwala na Section B ka"bulong ko sa kanya."Oo nga eh buti na nga lang nilipat nila ako" sagot naman niya.

Hindi parin ako makaget over sa kanya dahil sa magandang tinig nya.Kala ko sa labasan ko nalang siya makakatabi at makakausap.

Nang dumating ang lunch break ay nagisip ako ng paraan upang makausap si Trisha,kaya naisip ko ay magpaturo sa kanya.

Hinanap ko sya at nasa room pa siya dahil nagaayos pa siya ng gamit niya.

Sinabi ko sa kanya na"Trisha,pwede ba kong magpaturo sa math,hindi ko kasi makuha."

Agad naman siyang sumagot at sabi pa sa akin"Ah sige gusto mo sabay na rin tayo kumain."

Hindi na ko tumanggi at sumagot agad ako ng oo."

"Pagkakaswerte ko nga naman!" bulong ko sa sarili at tuwang tuwa.

My Typical GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon