Pang Pitong Kabanata-Tulungan Na

24 1 0
                                    

Kriiiiingg!! Hudyat upang maglabasan na uwian dahil tapos na ang mga klase.

"Mga tropa sabi nyo tutulungan nyo na dumiskarte kay Trisha.Tutulungan nyo ba ako?"sabi ko kanila habang naglalakad palabas ng school namin.

"Geh ba,ano ba plano?" tanong ni Kurt."Wala pa nga,wala kasi ako maisip."sabi ko naman.

"Sige ganito gagawin natin.Sosorpresahin natin siya ng harana sa kabilang sabado maalam naman kami ni Yuan mag gitara.Banat ni Yuto.

"Pero bago yan tanungin mo muna siya kung pwede kang umakyat ng ligaw"sabi ni VM at sumang ayon sila sa kanya.

Nagtanong ako"Paano ko naman gagawin yun?" Sumagot si Kurt"Hindi ka ba nag-iisip napakaraming paraan! Pwede mo sabihin direkta sa kanya o gamit ang liham o sulat."

"Ummmmmm,sa tingin ko mas magada kung sulat ang gagamitin mo para may kilig."sabi ni Yuan dahil dalubhasa siya pag-gawa ng letter.

Pagkatapos namin magusap ay dumiretyo na kami sa kanya kanya naming bahay.

5:00 pm

"Nakarating na rin sa bahay" sabi ko sabay upo sa sofa naparang pagod na pagod.Gumawa na ako ng homeworks ko para madali kong magawa ang sulat ko kay Trisha.

6:00 pm (natapos ko ang mga homeworks).

Naisipan ko nang gawin ang sulat,inilagay ko to sa kulay pink at pulang papel.Habang ginagawa ko to ay nagvibrate ang cellphone at may tumatawag,si VM.

"Pre may nabalitaan ako,may nanliligaw kay Trishang iba." sabi niya sakin.

Nagulat ako at hindi na ko nakasagot at napa "ohh ok sige."

Sino kaya yung lalaking yun???,naunahan na ako ahh.

My Typical GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon