Pangalawang Kabanata-Mind Struggle

41 2 0
                                    

"Sino Kaya ang babaeng iyon?"sabi ko sa aking isipan.

Tinanong ko si Yuan at Yuto"Sino yung babae sa kabilang kubo?"Sumagot si Yuto"Hindi rin namin kilala pero ang pagkakaalam ko ay Section B yan.

Sabay banat naman ni Yuan sakin ng "Bakit? type mo yang chix na yan no..."

"Sinuntok ko sya ng pabiro at namumula ang aking pisngi at sabay sabi ko "Hindi ahhhh sino may sabi sayo...?".

Umimik naman ang kambal ni Yuan na si Yuto "Pre,Aminin mo nalang kasi.Tumatanggi ka pa eh mukha namang gusto mo..."

Sumabat uli si Yuan "Kung ako sayo ay lalapitan ko na yun,mukha namang mabait".

Nagdadalawang isip ako noon dahil torpe ako at baka mapahiya ako sa tropa ko.

"Ummmm,Ewan ko sa inyo tara na nga matatapos na ang break " sabi ko.

"Ano ba ang masama kung tatanungin mo yung babae kung ano ang pangalan niya!?" kantyaw ni Yuan".

"Wala...pero....." sabi ko at sumagot agad si Yuan." Walang pero pero tanungin mo na at pag hindi, ako magtatanong".

"Sige na nga ako na"sabi ko pero hindi naman ito labag saking damdamin at gusto ko rin naman ito.Hahaha :P

Nang biglang.......................................

Kriiiiingg! tapos na ang break at hindi pa namin nabubuksan ang aming pagkain at hindi ko rin natanong ang pangalan nya."Wahhh tuloy hindi na natin nakain to binili natin sayang!" sabi ko sa kanila.

Dumiretso na agad ako sa room at nang mag simula ang klase ay wala akong ibang iniisip ay kung hindi yung babae sa canteen.

"Ano ba itong nararamdaman ko?"

Tinawag ako at tinanong ako ng teacher namin na sa na si Maam Jen Macalintal,(Science teacher naming)"It is anything that occupies space that have mass."

Binulong sakin ni Kurt ang sagot dahil wala ako sa sarili "Mmmmm...Matter mam".Sabi ko ng nag-aalinlangan.

"Correct Mr.Mansala kala ko di ka nagpaparticipate sa klase ko" sabi ni mam.

Nang dumating ang hapon at labasan na nakita ko yung bababe sa canteen nagbabasa ng libro habang naghihintay ng sundo.

Hindi ko sya malapitan at dahil nag-iisip pa ako nang sasabihin.

Nag-isip ako at sinabisa sarili "Hi,I'm Rhon Manansala ano ang pangalan mo"?

Nang mabuo ko ito ay kita kona siyang papaalis nakasakay sa kanyang sundo at muli hindi ko nanaman nasabi o natanong ang pangalan niya.

Haiyst!!! Tinamaan na naman ako ng katorpehan.

My Typical GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon