Nasa may school na ako at may sinabing magkakaroon daw ng contest sa pagandahan ng painting at kasali daw yung babae sa contest,balita sakin si VM.
Naisipan kong sumali dito upang malaman ang pangalan niya.
Nang malaman nila n kasali ako sa contest ay pinag tawanan nila ako noong lunch break ay sabi pa" Eh hindi ka nga maalam magdrawing painting pa kaya" sabay hagalpak na sila ng tawa.
Wala akong magawa kong hindi tumahimik at antayin silang tumigil sa pag tawa na parang wala nang bukas.
Nilapitan ako ng tatlong magagandang babae at nagpakilala sa akin,(RMA)-Rhon Manansala Admirers-(pampaikli).Tinanong nila ang pangalan ko.
"Ganun ba ako ka gwapo? "Hahaha wika ko sa isip ko.
Pero wala sa isip ko yun dahil ang gusto ko malaman ay yung pangalan nang kaklase nila na nakita ko sa canteen na nag-iisa sa kubo.
Nang mag bell na ay nagcr muna ako at nang ako ay pabalik na ay nakasalubong yung babae at nung makabalik ako sa room ay nginitian nya ako at kilig na kilig ako.
"Yes!!!Kalako hindi niya ako papansinin".
Nang maglabasan na ay hinanap ko siya agad sa gym.Naghihintay siya sa sundo niya,hindi na ako nagdalawang isip na lapitan siya.
Nilapitan ko siya at tinanong "Hi,Ako si Rhon Manansala.Ano pala ang pangalan mo".Medyo na hiya pa ako.
Buti nalang pinansin nya ako.
"Hello,Ako naman si Trisha Gonzales"with matching cute smile pa nya at parang hindi nya ako makita sa pagkachinita nya.
Hindi ako makapagsalita sa mga oras na iyon at nabighani ako sa kanya.
"Wala kabang kaibigan?" tanong ko sa kanya."Meron pero minsan lang ako sumama sa kanila kasi nag-aaral ako nang mabuti,hindi ko nga alam kung bakit Section B ako."wika niya.
Beeeep Beeeeep! busina ng driver at siya nalang ang iniintay.Bago umalis ay sinabi niya sa akin ay "Bye see you tomorrow and nice meeting you."
Nang ako ay pauwi sakay jeep ay nakita ko siya sa tapat ng bahay na kanila pala.
Labis ang galak ko noon dahil malapit lamang sila sa bahay namin .
YES!!! Buo na naman ang araw ko dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Typical Girl
RomansaAng kwentong ito ay para sa lahat nang gustong kiligin.Makirelate sa kwento ng pagkainlove at sight. Dedicated para sa mga lalaki na pinapakiramdaman ang mga babaeng iniibig nila at para sa mga babaing manhid sa pagmamahal ng nagmamahal sa kanila. ...