Tawag ba ng laman kung maituturing kung ako ay nananabik sa kanya? Pag ba umatake ang malikot kong imahinasyon habang iniisip siya'y makasalanan na ang tawag don? Masasabi niyo bang libog lang itong nararamdaman ko lalo na sa tuwing pinag-uusapan namin ang pagpapamilya tapos naaapektuhan ako? Pag ba dumarating sa puntong magkausap kami at ang tangi ko lang gusto ay mahagkan siya't mayakap sa mga oras na yun, mapusok na ba ang maibabansag sa akin?
Siguro nga. Siguro nga dahil hindi naman lahat ng tao ay kayang umintindi ng nararamdaman at makabasa ng isip ng isang tao. Ang daling manghusga ng iba kahit wala naman tayo sa katayuan nila. Madali tayong makapagbigay komento nang hindi muna natin tinitimbang sa ating isipan yung mga posibilidad.
Lalo na sa panahon natin ngayon. Kaliwa't kanan na ang mga kumakalat na balitang nabuntis si ganito, si ganyan, o kaya lumandi yung isa, naiwanan naman yung isa, nasulot ng katropa ang nobya ng isa, tapos kadalasan pang nangyayari ay ipinagpapalit yung karelasyon para sa iba. Samu't saring mga kwentong nakakasira ng ulo, hindi ba?
At ano ang madalas nating marinig mula sa mga taong naiiwanan sa ere? "Libog lang yan." Libog ang pangunahing dahilan kung bakit maraming tao ang nasasaktan at umuuwing talunan. Libog ang dahilan kung bakit hindi magawang makuntento ng karamihan sa kanilang mga karelasyon.
May punto rin naman talaga, diba? Kasi kung iisipin natin, kung punong-puno ng pagmamahal yang puso't isipan mo, may magiging puwang pa ba para sa ibang tao? May panahon pa ba para malibugan ka sa ibang tao kahit ikaw ay nasa relasyon na?
Kung ikaw ay siraulo at hindi kayang pumirme sa iisang babae o lalaki lamang, marahil ay salungat ang isasagot mo at malamang hindi para sa'yo itong binabasa mo. Mabuti pang lumipat ka na lang sa ibang librong mas maiintindihan mo. Pero kung ikaw ay isang taong tuwid ang pag-iisip at malinaw sa'yo ang iyong kagustuhan, eh di ipagpatuloy mo 'to.
Ayos lang naman talagang malibugan eh. Normal nating maramdaman ang lintek na libog na yun dahil tao rin tayo. At mas lalong natural yun para sa mga taong totoong nagmamahalan. Pero kung mamalasin nga naman yung iba, ginagawa lang pampalipas oras ang sex o sabihin na nating sila mismo ang pinaglilipasan ng oras ng iba. Nakakalungkot mang isipin pero iba talaga ang takbo ng isip ng ibang mga tao. Kung tutuusin ay pwede ka namang manatali na lamang sa loob ng kwarto at manood ng porn kung talagang kailangan mong magparaos lalo na kung single ka o kung kaya nama'y hindi available yung karelasyon mo. Ang kaso nga, merong ibang hindi kayang magtiis at talaga namang maghahanap ng mabibiktima nila sa labas para mapunan yung mga pangangailangan ng kanilang katawan.
Lalaki ako't inaamin kong may kalikutan din talaga ang aking isip lalo na ngayong may babaeng muling nagpapabuhay sa buong pagkatao ko. Hindi hadlang yung distansya naming dalawa para maramdaman ko yung matinding pangangailangan ko sa kanya, at alam niya yun. Siya lang ang may kayang magpabaliw sa akin sa bawat araw na lumilipas lalo na pag sinasabayan niya ng panunukso sa napaka-kyut na paraan.
Siya kasi yung babaeng karespe-respeto at kagalang-galang na para bang hindi ko pwedeng sabihin sa kanya yung epekto niya sa pagkalalaki ko lalo na pag napag-uusapan namin yung pagkakaroon ng anak balang araw. Pero dahil open ako sa nararamdaman ko, sinasabi ko pa rin. Wala namang masama don, diba? Nagpapakatotoo lang naman ako. Isa pa, wala naman akong ibang magpasasabihan non kundi siya lang at karapatan din niyang malaman yon.
Bago pa man siya dumating, ginagawa ko rin ang mga normal na ginagawa ng ibang lalaki tuwing kalibugan ng buwan. Nanonood ng porn para mailabas yung stress at pagod sa buong araw at para sumarap-sarap naman ang tulog pagkatapos. Ngunit simula nung nakilala ko siya, para bang nawalan na ako ng ganang manood pa sa mga yun. Mga ilang beses ko rin naman syempreng sinubukan, pero sa tuwing nakikita ko yung babaeng nasa video, siya agad ang pumapasok sa isipan ko at nawawala na lang bigla yung atensyon ko sa pinapanood ko. Tapos ang ending, ititigil ko na lang din kasi nakukulangan ako. Nakakabadtrip, diba?
Nakakabadtrip kasi kahit naman sabihing madali namang maglabas ng sama ng loob, nahihirapan ako dahil siya lang ang gusto ko. Siya lang ang kailangan ko. Pero hindi naman pwede dahil napakalayo niya sa akin at gusto kong gawin sa tamang paraan (hindi basta video call kahit magandang ideya rin yun).
Ang hirap palang magpakatino ng sobra kung minsan, pero mas madali naman ito kesa magpakagago ako sa kanya. Alam niyo kasi, sobrang daling magloko kung talagang gugustuhin mo. Pero nasa iyo na yun kung ano ang mas pipiliin mo, ang maging matino para sa ikakatahimik ng buhay mo, o magloko para sa ikamamatay mo. Yun lang naman ang mga pwede mong pagpilian. Kung magloloko ka, wag mo nang bigyan ng hustisya pa. At kung magtitino ka, eh di mabuti naman kung ganon, panindigan mo na lang habang ika'y nabubuhay pa. Ganon lang kasimple yun.
Parang ako sa kanya, oo wala pa kami sa simula dahil magkaibang mundo pa ang ginagalawan namin. Wala pa kaming pormal na relasyon, pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos, pinipili ko siya. Lagi ko siyang pinipili. Yung mga binubuo kong mga plano at pangarap para sa sarili ko, nakadikit na rin don ang kanyang pangalan. Kasama na siya sa bawat desisyon na gagawin ko. Kasama siya dahil parte na siya ng buhay ko.
Kasama sa mga plano ko ang pag-angkin sa kanya. Hindi lang katawan ang gusto kong maangkin sa kanya kundi yung damdamin at buong pagkatao niya. Inaamin kong gusto kong magbunga yung pag-iisa namin dahil yun naman talaga ang gusto naming mangyari – ang magkaroon ng sariling pamilya. Bumuo ng isang masaya at kumpletong pamilya na kahit maraming pagsubok ang ibigay sa amin, malalagpasan namin ng magkasama.
Hindi siya yung babaeng madaling makuha (oo, alam ko yun dahil mataas ang tingin ko sa kanya), hindi rin siguro siya yung babaeng sobrang palaban sa kama at hindi niya kailangang maging ganon para mas lalo akong mabighani sa kanya. Sapat na yung alam kong inilalaan niya yung kapiranggot ng oras niya para sa akin kahit alam niya yung sitwasyon ko at kahit nasa malayo ako. Sapat nang malamang ako lang yung lalaking pinagtutuunan niya ng pansin ngayon. Sapat na sapat na siya para sa akin kahit alam ko sa sarili kong higit pa siya sa inaakala niya.
Hindi niya alam na kahit may oras na binabastos ko siya sa aking isipan, sobrang taas pa rin ng respeto ko para sa kanya. Kahit nagiging maloko at mapaglaro ako sa tuwing nag-uusap kami, pag ako na lang ang mag-isa, iniisip ko na naman yung mga pangarap ko para sa aming dalawa. Iniisip ko yung pang-matagalan na.
Yung siya at ako, kasama yung mga anak namin sa iisang bahay.
Ang sarap ng sex, diba? Ang sarap malibugan. Pero wala nang mas sasarap pa kung yung taong araw-araw mong pinipili ay araw-araw ka ring pipiliin. Sa hirap man o ginahawa, sa lungkot man o saya, sa libog man o sarap, basta kayong dalawa ang magkasama.
Inaalay ko nga pala ito para sa babaeng nagpapatibay ng aking loob ngayon. Hindi lang siya nagpapatibay ng loob, pinapatigas niya rin ako lagi. Gusto ko lang sabihing, oo marami pang pwedeng mangyari at hindi tayo pwedeng magsalita ng tapos lalo na pag wala pa tayo mismo don sa sitwasyon, pero gusto kong malaman mong kung iisa tayo ng mga gustong mangyari at marating, alam kong makakayanin natin 'to. Oo, mahirap dahil maraming pwedeng humadlang, umeksena, kumontra at sumira sa ating dalawa, pero hangga't nandon yung tiwala at pagmamahal, wala tayong hindi kayang lagpasan. Walang imposible sa dalawang taong tunay na nagmamahalan.
Kaya kapit lang, ha?
Alam kong malibog ako kung minsan, pero hindi ko lang talaga minsan mapigilan lalo na pag napupuno ng emosyon yung usapan natin. Ang sarap-sarap lang kasi sa pakiramdam lalo na pag alam kong pag-uwi ko dyan, totoong mayayakap at mahahalikan na kita. Puro imagination na lang kasi ako eh, putragis. Kaya hintayin mo lang ako ha? Darating ako para sa'yo. Isa-isa nating abutin yung mga pangarap natin. Isa-isahin nating lagpasan yung mga problema. At isa-isa lang muna yung magiging anak natin ha? Pag naging kambal sa unang shoot pa lang, eh di ebribadi happy. Oo na, malibog ako, pero malalim ang hangarin ko sa'yo. Malalim sa paraang hindi mo lubos na maiintindihan.
O ikaw? Malibog ka rin ba? Kung oo, iinom mo na lang ng alak yan.
