CHAPTER 1

174 21 0
                                    

CHAPTER 1

PALABAS na ng bar si Bena kasama ang mga kaibigan. Katatapos lamang nilang magsaya at mag-inuman sa loob. Nang biglang magkagulo ang lahat dahil sa pagdating ng mga pulis.

"Ito po Sir! Pagdadamputin n'yo po iyang mga aswang na iyan," Panduduro ni Mr.Nicolas kay Benedict at sa kaniyang mga kaibigan.

"Iyang mga impaktong 'yan ang nagkakalat ng lagim dito sa amin!" Dugtong pa ng mister.

"Ikaw ba si Benedict Castillo?" tanong ng pulis. Agad namang lumihis ang mga kaibigan ni Benedict na sina Thonya at Kyla.

"Opo Sir. Bakit po? Ano pong kailangan ninyo sa akin?" may pagkamalamyang tanong ni Ben.

"Sumama ka sa amin. Sa presinto ka na lang magpaliwanag!" Utos ng pulis. Mabilis na naagaw ang atensiyon ng mga taong nagdaraan dahil sa kaganapan. Maagap na hinawakan ng dalawang pulis ang kaniyang mga braso. Akmang poposasan na sana ito nang magpumiglas si Benedict.

"Teka lang po Sir! Ano po bang kasalanan ko? Wala po akong alam sa ibinibintang ng lalakeng yan." Si Benedict na bakas ang pagkabigla sa nangyayari. Pati tuloy ang mga kaibigan nito ay hindi na alam ang gagawin.

"Nagmamaang-maangan ka pang bakla ka! Hindi ba at ikaw ang huling kasama ng anak kong si Ethan kagabi! Ayon patay na, wakwak ang tiyan. Hindi ka pa nakuntento at pati lamanloob niya ay kinuha mo pa. Aswang ka! Aswang kayo ng mga kaibigan mo!" Gigil na sambit ng lalake. Kulang na lang ay dukwangin nito si Benedict dahil sa sobrang galit. Mabuti na lamang at napigilan ito ng mga kaibigan niya.

"Bitiwan ninyo ako! Mga demonyo kayo!" Matapos ay iwinasiwas ang kaniyang mga braso dahilan upang mabitawan siya ng dalawa. "Aba, Mister! Masyadong matalas ang tabas ng dila mo. Hindi porke't panget at bakla-- aswang na agad?! Baka gusto mong kasuhan kita ng paninirang puri?" Pagtataray nito.

"E, Mamang pulis. Mayroon po ba kayong warrant of arrest o 'di kaya ay ebidensiya para damputin ninyo ako?" Nagkatinginan ang mga pulis at matapos ay sabay-sabay na ibinaling ang tingin sa lalakeng kasama.

"E, wala naman pala e. Walang ebidensiya? Walang warrant of arrest? Walang kaso!" Hindi nakaimik pa ang mga pulis at ang lalake. Walang nagawa ang mga ito nang talikuran sila ni Benedict at ng mga kaibigan niya.

"Hindi pa tayo tapos Bena. Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan kasama ng mga kaibigan mo. Pagbabayaran ninyo ang ginawa ninyo sa anak ko. Isinusumpa ko!" Habol pa ni Mr.Nicolas. Sa halip na sumagot ay tuluyan nang umalis ang magkakaibigan.

Kilala ang pamilya ni Ethan na isa sa pinakamayamang negosyante sa kanilang lugar. Hawak ng mga ito ang pinakamalaking mall sa bayan. Kaya hindi na nakakapagtakang gano'n na lang siya basta-bastang ipadampot kahit walang sapat na ebidensiya. Sigurado itong pera ang pinakikilos ng mayamang negosyante masunod lamang ang nais nitong mangyari. Bunso sa tatlong magkakapatid si Ethan, kaya ganoon na lamang ang galit ni Mr.Nicolas. Alam niyang hindi titigil ang matanda hanggat hindi siya nakukulong, nakaramdam ito ng takot para sa sarili. Pang ilang beses na bang nangyayari ang ganito? Ilang beses ng napagbibintangan ang mga baklang tambay sa bar? Hinuhusgahan sila ng mga tao dahil sa kanilang pananamit at pag-akto.

Sinasabing salot at walang patutunguhan ang mga katulad nilang bakla. Si Mang John ang matandang lasenggero, madalas ay nakamatyag sa magkakaibigang Benedict, Anthony at Kyle na kung tawagin sa gabi ay Bena, Thonya at Kyla. Pinagsususpetsahan niya itong mga aswang sapagkat ang mga lalaking huling napapasama sa kanila ay natatagpuang patay, kinabukasan. Siya rin ang nagsabi sa ama ni Ethan na nakita nitong kasama ni Bena ang kaniyang anak nang nakaraang gabi na nag-iinuman sa isang bar malapit sa kanilang bayan.

Kaya naman abot langit ang galit nito kay Bena. Wala namang ebidensiyang maiharap kundi tanging testimonya lamang ni Mang John ang kanilang pinagbabasehan.

MANDURUGO (ANG GANTI NG HULING LAHI NG MGA ASWANG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon