CHAPTER 3

121 12 13
                                    


ISANG nakagigimbal na balita ang gumising sa lahat. Isa na namang hindi makilalang lalaki ang natagpuang wala ng buhay malapit sa bukirin ng Mandurugo. Bukas ang dibdib at durog ang mukha ng matagpuan ito ng mga magsasaka.

Kasalukuyan pa rin itong iniimbestigahan ng mga kapulisan. Nababalot na ng takot ang mga naninirahan dito dahil ang bayan ng Mandurugo ay hindi na ligtas sa kamay ng halimaw. Hindi nila batid kung mahuhuli pa ang may sala. O patuloy itong makakapaghasik ng kasamaan.

Walang kamalay-malay ang magkapatid na Becca at Bena sa nangyaring patayan nang nakaraang gabi. Kasalukuyang abala ito sa pagkain ng kanilang umagahan na inihanda ni Manang Ising.

Sarap na sarap ito sa inilutong putahe ng matanda, adobong atay at nilagang buto-buto. Labis naman itong ikinatuwa ni Ising dahil nagustuhan ng mga alaga niya ang kaniyang niluto.

Mayamaya lang ay nakarinig ang mga ito ng magkakasunod na katok. Nagtataka ang mga ito sapagkat wala naman silang inaasahang bisita.

"Manang, pakitingnan nga po kung sino iyong tao sa labas?" Utos ni Becca.

"Kay aga-aga, sino kaya iyan?" Sambit ng matanda habang papalapit sa pintuan.

"Sigurado ka bang tao iyon? Baka halimaw..." Si Bena na nagpipigil ng tawa.

"Nakakatawa..." Si Becca na nakataas ang kaliwang kilay.

"Halimaw sa banga." Pang-aasar naman ng kambal. Napahagalpak ng tawa si Bena.

"Bakla!" Bulong ni Becca sa sarili habang kumakain.

"Anong sabi mo? Sinong bakla?" Sa pagkakataong ito ay si Becca naman ang nagpipigil ng tawa dahil sa magkasalubong na naman ang kilay ni Bena. Ayaw nitong tinatawag na bakla.

"Wala akong sinabi." Maang-maangan na sambit ni Becca. Bahagya pa itong sumipol-sipol upang hindi matawa. Pakiramdam kasi nito ay hindi na niya kayang pigilin ang sarili.

Naagaw lamang ang atensiyon ng kambal nang marinig ang pag-uusap mula sa labas.

"Ano pong kailangan ninyo?" Magalang na tanong ni Manang Ising, bakas ang pagtataka sa mukha nang makita ang bisita.

"Narito po ba si Becca Castilio? Gusto ko po sana siyang makausap." Nag-aalinlangan pa ang matanda kung patutuluyin niya ang lalake. Hindi kasi ito basta-bastang nagpapatuloy ng hindi kakilala. Bago lamang kasi ito sa kaniyang paningin.

"Huwag po kayong mag-alala, kilala po ako ni Becca." Muli ay sagot nito.

"Manang Ising, sino po iyan? Ano raw pong kailangan?" Tanong ni Bena mula sa kusina.

"A, e, señorito may naghahanap po kay señorita Becca!" Sigaw nitong pabalik habang nakaharang sa pinto. Patuloy pa rin nitong kinikilatis sa tingin ang lalaki.

Napansin ng matanda na tila naiilang ang bisita sa kaniya. Habang si Becca naman ay agad na tumayo nang marinig ang kaniyang pangalan. Nais nitong silipin kung sino ang tinutukoy ni Manang Ising.

"Sino raw po..." Hindi na naituloy pa ng dalaga ang sasabihin. Nasorpresa ito sa nakita. Mabilis na kumabog ang kaniyang dibdib. Hindi niya inaasahan ang pagbabalik ng lalake at sa muling pagkikita ay maraming katanungan ang nagising sa kaniyang isip.

"SPO2 Ople?" Bakas ang pagkabigla sa tinig ng dalaga.

"Ako nga Becca." Ngiti ng lalaki.

"Ang laki mo na ah. Dalagang dalaga ka na." Muli ay puri nito. Napakamot naman sa batok ang dalaga.

"Tuloy po kayo Sir, ano po ba ang atin?" Magkahalong kaba at pagkataranta ang nararamdaman ni Becca. Hindi niya alam kung anong sadya ng pulis, ngunit isang bagay lang ang nasisiguro niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MANDURUGO (ANG GANTI NG HULING LAHI NG MGA ASWANG) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon