Araw 1-3

256 23 0
                                    

                                        "Tatlumpu't-Isang Araw sa Ikaapat na Palapag."

       Do not redistribute or copy without author's consent. Any similarities to the other stories were purely coincidental.

=========================================================================

  May mga bagay na hindi naiiwasan ng mga tao: ang maging bulag sa katotohanan, ang mahulog sa pag-ibig, pagtanda, kamatayan at gumawa ng kasamaan. Mayroon ding mga importanteng bagay na nababalewala ng mga tao: ang araw, oras, minuto at segundo. Gaano nga ba kahalaga ang isang araw? Gaaano nga ba kaimportante ang oras? Gaano nga ba katagal ang isang minuto? At ano ang mawawala sa iyo sa loob ng isang segundo?

Araw 1

  Masayang naglalakad sa makipot na pasilyo ng daanan ang dalagang nagngangalang Aden nang biglang may batang humahangos na lumapit sa kanya. Itinakbo na naman daw ang kanyang ama sa ospital. Hindi man niya ipinahalata, bahagya talaga siyang natakot at kinabahan. Alam niya kasing ito ang unang pahina ng masalimuot nilang buhay.

Araw 2

  Nababalot siya ng takot dahil patungo na siya sa ospital kung saan itinakbo ang kanyang ama. Hindi niya nagugustuhan ang atmospera sa lugar na iyon. Kung hindi lang talaga kailangan ng magbabantay ay hindi niya na iaapak ang kanyang paa roon.

                                         Patient: Theodore Nabua

   Iyan ang nakapaskil sa labas ng kuwarto nitong agad niyang nahanap. Ikaapat na palapag sa bandang kanan. Kinakabahan niyang binuksan ang pinto at naipagpasalamat niya na tulog ito. May maliit na upuan malapit sa higaan ng pasyente at doon siya pumuwesto. Hindi niya napigilang lingunin ang taong nakaratay sa kama. Nakapikit ito’t payapang namamahinga. Malayong malayo sa itsura’t ugali nito tuwing ito ay gising. Ilang oras siyang nagmasid at namalayan na lamang niya na siya’y naaliw sa mukha nito dahil ngayon lang niya iyon napagmasdan ng napakatagal na hindi man lang kinakabahan o natatakot.

Araw 3

  Nag-aral pa siya kagabi kung kaya’t napuyat siya. Hindi agad siya nakabangon ng maaga at pagkagising niya’y salubong na kilay ang agad niyang nabungaran. Gising na pala ito at kanina pa siya tinatawag ngunit sadya siyang tulog mantika. Pinagalitan pa siya nito. Lahat ng sermon nito ay pinakinggan niya ngunit agad ding lumalabas sa kabilang tainga dahil hindi niya makuha ang pinupunto nito. Naisip na lamang niya ang kanyang kalagayan. Pero bakit nga ba siya nito kinamumuhian?

Tatlumpu't-Isang Araw sa Ikaapat na PalapagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon