Araw 24-30

107 16 0
                                    

Araw 24

  Kinabukasan ay Masaya si Aden dahil nasuspende ang kanilang klase. Isa lang ang ibig sabihin niyan, buong araw siyang magbabantay sa ospital. Nagmadali siyang pumunta roon dahil maagang umalis ang kanyang ina para humanap ng perang ipambibili ng gamot na inireseta. Pagkabukas niya ng pinto ay naabutan niya itong nasa gilid ng bintana at payapang nagmamasid sa napakagandang tanawin sa labas.

“ Gusto ko nang lumabas dito.”

  Iyan agad ang binungad nitong salita. Nakaramdam siya ng pagkahabag para rito. Siguro ay gustong- gusto na talaga nitong lumabas. Siguro ay gusto na nitong umuwi ng bahay. Siguro ay…

Araw 25 

 Kinabahan siya dahil sa kuwento ng kanyang ina kanina. Kagabi raw ay naalimpungatan ang kanyang ama, tumatawag ito ng iba’t-ibang pangalan at iniaabot nito ang sariling kamay sa mga nakaitim daw na mga bulto. Naalala ko ang aking masamang panaginip. Kahit na labis ang kanyang kaba ay pinapunta pa rin siya nito sa ospital. Iyon nga lang ay nahuli siya dahil may mga ginawa pa siya.

“ Kanina pa kita hinihintay!”

  Galit na  galit nitong bungad sa kanya. Parang biglang naulit ang mga pangyayari noong unang araw, parang nawala na ang kinang ng mga mata nito, at parang nagbalik sila uli sa dati. Binubulyawan na naman siya nito kapag nagkakamali siya, madaling nag-iinit ang ulo at parang ang layo-layo na naman nito sakanya.

Araw 26

  Hindi na siya nagbantay pa sa ospital dahil sa masasakit na salitang binitawan sakanya ng kanyang ama kahapon.

“  Wala kang kwenta! Huwag ka ng magpapakita sa akin dito!”

  Nakalimutan kasi nitong bilihan siya ng kanyang gamot at dahil doon ay nag-init ang ulo nito. Naiintindihan naman nito ang kalagayan ng kanyang ama ngunit sumusobra na rin kasi kung minsan. Muntik na nga siyang maiyak dahil sa mga pinagsasabi nito.

Araw 27,28,29

  Lumipas ang tatlong araw ay hindi parin humuhupa ang galit nito sa kanyang ama. Hindi na rin siya nagbantay dito dahil tinanggihan na talaga niya. Pero ang desisyong iyon ay labis niyang ikinababahala. Nasanay na kasi siyang magpunta roon at nasanay na siya sa takbo ng buhay niya sa ospital. Araw-araw ay tumatawag ito sa kanya dahil wala raw magbabantay ngunit tatanggi siya rito at sasabihing nagpatong-patong ang kanyang mga gawain kaya araw-araw siya nitong binubulyawan sa telepono. Wala na siyang nararamdamang poot o anuman dahil parang sirang-plaka na lamang ang mga pambubulyaw nito para sakanya.

Araw 30

  Halos mapunit na ang labi niya kakangiti dahil nabalitaan niyang makakauwi na ang kanyang ama. Ngunit hindi iyon naging madali para sakanila dahil kinailangan pang mangutang ng kanyang ina at magmakaawa sa direktor ng ospital para lamang makauwi sila. Nilinis niya ang kanilang bahay ng maigi dahil sensitibo pa rin ang kalagayan ng kanyang ama. Maya-maya’y narinig niya na ang ugong ng sasakyan. Sumilip siya sa bintana’t doon niya nakita ang taong hindi niya maipagkakailang nami-miss niya. Mukhang masigla na ito at masayang-masaya, hindi niya alam kung guni-guni niya lang o talagang napansin niyang maluha-luha ang kanyang ama. Siguro’y dahil matagal na nitong pinangarap na makalabas. Noong gabi lang sila nagkita at hindi man lang siya kinausap o inutusan nito. Naalala niya ang sinabi ng kanyang ina ,kailangan nitong magpahinga.

Tatlumpu't-Isang Araw sa Ikaapat na PalapagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon