poem 13👑

26 1 0
                                    


Pasensya na
Hindi ko sinasadya, maiwan ka
Kaya nag-intay ka na nag-iisa
Siguro kasalanan ko pero kasalanan ko ba?

Hindi kita makilala
Hindi naman kasi talaga kita kilala
Akala ko masama ka
Pero bakit ngayon nasasaktan ako pag lumalayo ka na?

Ayokong paasahin ang tulad mo
Oo, sige manhid na ang tulad ko
Masisi mo ba ako?
Kasalanan ko bang makalimutan ang tulad mo?

Siguro minahal kita...noon
Maari namang maibalik iyon
Mag-intay ka mula ngayon
At pangako, gagawin ko ang lahat mahal ko...noon

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon