Spoken Poetry

1 0 0
                                    


WALANG NAKAKAALAM





Para ito sa mga taong takot matanong ng iba. Takot masabihan ng masama. Para sa mga taog patuloy na nagtatago ng relasyon nila sa mga taong nakakakilala sa kanila. Pati narin sa magulang nila. Para sa mga taong may relasyon na sila lang ang nakakaalam. Sa mga taong tinatago ang katotohanan.







"Anak, malaya ka na"
94..93..86..83..81
Pikit matang hihinga na lamang ako habang tinitingnan ang mga numero na nakaukit na sa papel na hawak ko.
Mababa na naman ako.
Takot na pumunta ako sa loob ng bahay.
Bahay na tinatawag na tahanan
Pero ang tanong ko lang..
Bakit ang tahanan ay nagiging halimbawa na ng kulungan?
Bawal gumala, mag-aral ka
Bawal makipag-usap sa iba, mag-aral ka
Bawal makipag-kaibigan, mag-aral ka
"What is family?"
Family is something I cannot define.
Something na hindi ko malalaman kung ano ba ang totoong nilalaman

Iyong gabi na iyon ay tahimik lang ako
Dahil maging pag-iyak ko..pinagbabawal ng itay ko
Minsan napapa-isip ako
Anak ba talaga ako o preso?
Dumating ang araw ng lunes pero walang nakakaalam kung san ako pupunta.
Dahil natatakot ako na pag nalaman nila,akusahan agad ako.
Malandi na agad ako pag may kasintahan ako.
Napapangiti na lang ako ng pilit pag pinagsasabihan ako
Gusto kong sabihin na bakit ang kambal ko?
Buntis na pero wala man lang silang tanong kung  bakit nagkaganon?
Bakit lagi na lang ako ang may pahkakamali?

Umiiyak na naman ako
Hindi dahil bagsak ako pero dahil wala na kami ng nobyo ko
Wala na yung taong nag-aalala kapag may mga saloobin ako
Wala na yung taong todo planado kung san kami tutungo
Kapag nakatakas na kami dito.
Pikit matang dinamdam ko ang mga palo at sakit ng sabunot ng magulang ko.
Dinamdam ko lahat hanggang wala nang maramdaman ang katawan ko.
Umiiyak na naman ako. Umiiyak na naman ako ng patago.


1.5, 1.5, 2, 5
Pilit kong kinukud-kod ang mga pinggan na nasa harapan ko.
Tapos na ako ng kolehiyo
Tapos narin ang kwento namin ng nobyo ko
Pilit niya akong tinakas noon pero anong magagawa ko?
Kinulong ako ng mga magulang ko.
Nasa siyudad na ang minamahal ko
Habang ako ay nandito sa kusina ng bahay ng mga magulang ko.
Dito daw ako.
Dito lang daw ako.


Pinilit kong tumakas.
Pero anong napala ko?
Tadyak at pagbabanta na papatayin ako kapag lumayas ako.
Preso ako.
Hindi tao.
Umiiyak ako dahil hanggang ngayon ay sinusumbat nila na isang subject ay hindi naipasa ko.
Paano ko ipapasa kung tungkol sa subject namin ay tungkol sa pamilya?
Ano ba ang pamilya?
Kinukulong ang mga anak?

Umiiyak.
Hindi ako pero sila ng mga nanay ko.
Umiiyak hindi ako pero dahil sa nangyari sakin.
Buntis ako.
Na-buntis ako ng ama ko.
Umiiyak ako.
Umiiyak na ako.
Dahil hanggang ngayon natutuwa sila dahil may anak ako.
May anak ako.
Sa ama ko.
Natutuwa sila.
Dahil may anak daw ako.



Umiiyak. Umiiyak ako.
Umiiyak ako na nakatingin lang sa mga magulang ko.
Galit sila alam ko.
Sinadya ko ang paghulog ko sa hagdan.
Ang sama sama ko, oo
Pero kahit ngayon lang sana ay maramdaman kong malaya ako.
Nasa kanila na ang anak ko.



Umiiyak.
Umiiyak sila dahil may mahabang bagay na nasa harapan nila.
Puting kabaong na nilalaman ng katawan.
Umiiyak ako dahil sa nakikita ko.

Umiiyak ako dahil ang anak ko ay hindi pala sa ama ko.
Kundi sa nobyo ko.
Ang t*nga-t*nga ko.
Dahil hindi ako naniwala na hindi iyon sa ama ko.
Walang nangyayari sa amin ng ama ko.

Umiiyak ako dahil natatandaan ko
Umiiyak ako dahil imahinasyon ko lamang ang paghihirap ko.
Umiiyak ako dahil baliw ako.
Totoong baliw ako.
Totoong baliw ako.

Umiiyak ako dahil baliw ako








○○○○○○○○

Lol. I don't if I should stay crying or laugh.


Or same? Mix emotions.


Tatawa* iiyak * tatawa *iiyak

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon