spoken poetry 1👑

18 1 0
                                    


Isa, dalawa, tatlo.
Mga bilang natin tila walang bago mga sumpaang hindi natin ginugulo na nasa isip lang natin ay yung tayo apat, lima anim mga yapak papaunta sa akin. Parang tumigil nga ang mundo ko kasi parang ikaw ay magiging...akin. Teka, tatakbo ako ang hahabol mga laro natin na paikot-ikot. Teka...itutuloy pa ba natin ito? Mga salita mo'ng ginusto ko mga larawan--Lahat na kasi ng sayo gusto ko. Ganun kaya rin ang nararamdaman mo? Pito, walo, siyam mga tiyak at sapat na salita na siyang ibibigay. Aamin o itatago. Dalawang pagpipilian pero parang wala din dahil sa dulo ako parin ang lalayo. Gusto kita noon pa man parang nasa kwento tayo na nagsimula lang sa once upon a time. Sampu mga lakad ko'y binilisan tila pagpapatumpik ay wala sa aking kaisipan. Umamin, ngumiti...ng pilit. Wag kang lalayo ah. Sinabi ko dahil gusto kong malaman mo pero hindi dahil sa meaning na layuan mo ako. Okay lang. Okay lang kung hindi mo gusto. Okay lang hindi mo ginusto. Okay lang pero sabi nga ng iba baka mga tipo mong mga babaeng ay yung hindi umasa mga babaeng maladyosa. Pasensya. Pasensya kung isa ako sa mga umasa. Umasa kasi ako dahil nagbigay ka ng pag-asa. Mga salita binigyan ko ng malisya sana pala sa una Piniligilan ko ang once upon a time para hindi ko maramdaman ang once to see a manhid man. Sige. Paalam. Nagpaalam hindi dahil sa nasaktan pero dahil sa tanong. Isa dalawa tatlo apat lima anim pito walo siyam mga talatang pagmamahalan mga simbolo ng aking kagustuhan. Sampu. Simbolo ng pagpapaalam sa katulad mo'ng hindi tumingin sa katulad ko man.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon