Chapter Four
KAICEELYN DHRECX' POV.
"GISING na, Kaicee!" Rinig kong sigaw ni Julia sa labas ng aking kwarto. Kumakatok pa ito ng padabog sa aking pintuan kaya't nagising ang diwa ko. Tumingin ako sa orasan, alas sais na nang umaga.
Kagabi ay tinamad akong kumain dahil sa nararamdaman ko nung hapon na iyon. Kaya nakatulog ako ng matagal. Hindi na rin ako nakapag hapunan kahapon dahil nga sa tinatamad ako.
Bumangon ako saka nag-inat inat. Saka pumwesto sa pintuan, at binuksan ito. Tumambad sa'kin ang nagagalit na muka ni Julia. Tinitigan ko siya ng walang emosyon. Hanggang sa nagbago ang ekspresyon niya at unti-unting napuno ng pag-aalala ang kaniyang mata.
Nagtaka naman ako. "H-hmm?" Nasabi ko nalang.
Hinaplos niya ang mukha ko saka malumanay na tumingin sa'kin. "Ayos ka lang?" May bahid na lungkot na tanong niya. Nagtaka naman ako. Umarko ang kilay ko.
"Ha?"
"Sabi ko, ayos ka lang ba?"
"O-oo naman, bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Namumula yung mata mo oh, don't tell me umiyak ka?"
dO_Ob
Bigla kong naalala ang pag-iyak ko kahapon. Unti-unti akonh nilamon ng kahihiyan.
"A-ah wala 'to." Sabi ko saka iniwas ang mukha. Aalis na sana ako at bababa na nang hawakan niya ang braso ko. Napatingin naman ako sa kaniya ng masama.
"Bakit ka umiyak?" Seryoso niyang tanong.
d>_<b
"Wala nga 'to, tss, tabi.." Sabi ko saka tuluyang nakapunta sa hagdanan upang bumaba.
"Ulol mo. Sinong niloloko mo? Tch." Sabi niya sa likod ko. Napatingin naman ako sa kaniya ng walang emosyon. "Tss, wala nga 'to. Anong niluto mong almusal?" Pag-iiba ko ng topic.
"Ah nagluto ako ng tuyo at hotdog. Lahat ng nandyan sa lamesa na natira ay para sa'yo. Nakakain na ako kanina,"Masayang sabi niya. Tumango naman ako saka umupo at nagsimulang kumain.
"Liligo na 'ko, ha,"
"Hm," sabi ko nalang. Nang habang kumakain ay biglang pumasok sa isip ko si Gavin. At ang mukha niya nung galit na galit siya. Napangisi naman ako. Mukhang isip-bata, tss.
Tumayo ako saka iniligpit ang
pinagkainan. Saktong natapos naman si Julia kaya naligo na rin agad ako. Matapos ang ilang minuto ay natapos na ako sa pagligo at saka nagbihis ng sibilyan. Wala pa kaming uniform dahil hindi pa naibibigay ang uniform namin. Ang sabi kasi ay ang school mismo ang mag pro-provide ng uniform ng bawat students.Inayos ko ang sarili ko saka isinara ang pintuan at bumaba muli. Nakita ko naman si Julia na ready na rin. Ngumiti ito sa'kin, "Tara na?"
Umiling ako. "Ikaw na mauna. May dadaanan pa ako," napapaiwas na sabi ko.
"Saan?"
"Basta. Mauna ka na ha, susunod nalang ako,"
"O-okay." Sabi niya. Saka umalis ng bahay. Inantay ko muna siyang makaalis na tipong hindi ko na siya makikita pa bago ako umalis din ng bahay.
Lumiko ako at pumunta sa ibang direksyon. Habang minamaneho ang motor ko ay kinakabahan ako. Nang marating ko ang medyo hindi kalayuang isang subdibisyon ay nagpark ako sa hindi kalayuan sa gate ng subdivisyon. Saka umupo ng patagilid sa aking motor. Binuksan ko ang pakete ng sigarilyo sa aking bag saka sinindihan ito at bumuga.
BINABASA MO ANG
A SUDDEN LOVE STORY.
Romance"I didn't expect it to come, but, I'm starting to like the way it came."