•CHAPTER SIX•

178 2 0
                                    

Chapter Six.

KAICEELYN'S POV.

LUMIKO kami sa isang hallway saka derederetsong naglakad hanggang sa may masalubong kaming malaking gate. May mga nakatayong guard na nasa magkabilang gilid. Binuksan nila ito saka kami tuluyang nakapasok. At doon ay natanaw ko ang kabuoan ng lugar na iyon.

"We're here!" Masayang sabi nina Andrea at Erica.

Napalinga naman ako sa paligid. Napakaaliwalas ng paligid. Malinis. Bagaman may mga dahon na nagsisilaglagan bawat puno ay napakaganda padin nito. Parang isang effects sa isang movie na iisa-isang nagsisilaglagan. May mga bench din na magkaparehas ang kulay sa mga puno, iaang bagay na sobrang nakakamangha. Sa bawat gilid ay may mga upuan na may kasamang lamesa na siyang uupuan nang kung sino mang pumunta roon. May bench din sa bawag gilid ng puno. Ang mas nakakamangha pa dito ay full of green colors ang paligid. Puro halamanin. May mga kakaibang flowers na sobrang gaganda sa bawat paligid na nakalagay sa plant boxes. Iba-ibang uri nang mga flowers kumbaga. At ang mga dahon na nahuhulog sa lupa mula sa mga matataas na puno ay kulay dilaw na siyang mas nagpapaganda tuwing nagsisilaglagan.

Masimoy din ang hangin. At sa dulo nama'y may dagat ngunit magmula rito'y natatanaw kong may harang ito. Bagay na maganda upang hindi makapunta roon ang mga istudyante.

'This is the place that i've been waiting for so long,'

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Tila may ipinapaalala ang lugar na ito. Mas lalo akong napangiti at saka tumingin sa taas, saka pumikit at dinamdam ang bawat dahon na naglalaglagan sa katawan ko.

"Grabe, Kaicee!, ang ganda dito!" Rinig kong sigaw ni Julia. Rinig ko rin ang tawanan nina Erica at Andrea na may halong pagmamalaki dahik nga sa lugar na ito.

Nagmulat ako ng mata saka tumingin kina Julia. Si Julia ay pinaglalaruan ang bawat dahon na naglalaglagan. Masayang masaya siya. Manghang-mangha katulad sakin. Ganoon din sina Erica.

"Oh diba, sabi ko sa inyo maganda eh, right Andrea?" Nagmamalaking natatawang sabi ni Erica. Nakipag apir naman sa kaniya si Andrea saka sabing, "Right!" At saka sila tatlong nagtawanan.

"Ano na uli yung sabi nung President?" Tanong ko habang pinagmamasdan muli ang paligid.

"Ah, yon, sabi niya lahat daw ng students ay vacant for the next two subjects na dalawang oras nga to be exact. May meeting daw eh," Sagot ni Erica. Napatango naman ako.

Saka sila tuluyang nagtuloy sa pagtatawanan. Umupo sila sa isang bench malapit sa isang puno. Ako naman ay nanatilong nakatayo at pinagnasdan muli ang paligid saka luminga-linga, naghahanap ng pwesto. Saka ako nakakita ng bench na mismong malapit sa dagat. Ang pagitan lang ay ang harang. Naglakad ako papunta roon saka umupo at pinagmasdan ang dagat na nasa harapan ko. Saka nagisip isip. Inisip ko ang nangyari kanina.

'Bakit ba may ganoong klase ng tao? Bakit ba may ganoong ka-immatured na tao? Na gagawin ang lahat makapanakit lang ng tao??'

Unti-unti akong nalungkot sa katotohanang pumasok sa isipan ko. Napabuntong-hininga ako saka tumingin sa langit. At pumikit.

'Aaminin kong malakas ako. Pero hindi sa lahat ng oras ay malakas ako, dahil may kahinaan din ako.'

Nagmulat ako saka humiga sa bench. Inihilig ko ang ulo ko sa dalawang kamay ko na nasa bandang ulunan ko na siyang unan ko. Saka tumitig muli sa langit. Hindi naman masyadong maiinit. May puno din na nagproprotekta sakin mula sa sinag ng araw. Gusto ko nang pumikit ngunit nanatili muna akong nakadilat dahil pakiramdam ko'y may paparating dito.

"Kaicee," biglang may nagsalita sa gilid ko, si Julia. Tama nga ang pakiramdam ko. Umangat ang kilay ko at nanatiling nakahiga.

"Pupunta muna kami sa Library para manghiram ng libro para na rin makapag advanced reading dahil may sinabi daw si Ser Caballero sa isang kaklase natin na tuloy ang recitation bukas. Sama ka?" Mahabang paliwanag ni Julia. Kasama niya sina Erica at Andrea na nakatingin din sa'kin.

"'Di na, kayo nalang," tinatamad na sagot ko.

"Jusko bakit bakla?!" Tanong agad ni Erica.

"Inaantok ako."

"Eh--" magrereklamo pa sana si Erica nang pigilan siya ni Julia.

"Hayaan na natin siyang makapagpahinga. Malamang pagod 'yan dahil sa war nila ni Turon kanina."

dO_ob??

"Turon??" Nagtatakang sabat ni Andrea, muntikan oa silang magkasabay ni Erica sa pagtanong. Maging ako ay nagtaka sa sinabi niya.

"Si Gavin,"

dO_ob

Nagkatinginan kaming lahat at saka...

"BWAHAHAHAHA!"

"Gaga ka, Julia! Panong naging turon si Gavin?! Mukha ba siyang turon?! Bwahahahaha!" Natatawang sabi ni Erica. Bahagya naman akong natawa.

"Hahaha! Ganto kasi, Diba Tyrone?! Tapos turon?! Magkarhyme! Hahahaha," sagot niya. Nagtawanan naman sila.

"Tch, sige ha, una na kami, babalik kami dito agad. Basta dito ka lang ha,"si Julia. Tumango naman ako.

"Tsaka nga pala, sasabihan na din namin mga kaklase natin. Basta wait kalang dyan bakla ha,"Si Erica. Tumango ako.

"Sige ha matulog ka muna jan, baka mapaniginipan mo pa si turon,
bwahahaha." Biro ni Julia. Nagsitawanan naman sina Erica saka tuluyan silang naglakad ni Andrea.

Pinakyuhan ko naman si Julia habang nakangisi at natawa din siya saka sumunod kina Andrea. Saka ko sila pinanood na makalayo saken hanggang sa tuluyan nang makalabas sa gate.

Doon ko naoag pasyahang ipikit na ang mata ko saka ninamnam ang simoy nang hangin. Saka ako umidlip.

~TO BE CONTINUED . . . . . . ~




A SUDDEN LOVE STORY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon