KAICEELYN'S POV."Oh, bat andumi-dumi nanaman ng damit mo?! B-ba't pati tong buhok mo andumi rin?! B-ba't anlagkit?! Anong ginawa mo?!" Sita sa'kin ni Julia Sanchez, kaibigan ko.
d>>_<<b
Nasa harapan kami ngayon ng malaking salamin, nasa comfort room kami ng mga babae. Nasa tabi ko siya habang ako ay walang ganang tinatanggal ang bawat higbla ng spaghetti sa'king buhok, maging sa aking damit ay may carbonara rin na dapat tanggalin. Ang buhok ko naman ay halatang malagkit dahil tinapunan ako ng shake.
"Binully." Walang ganang sagot ko. Hindi sa pagiging masungit ko ngayon, pero, ganto talaga ako. Mahina magsalita, minsan kang magsalita. Inshort, tahimik, walang kibo.
"N-nanaman?!"
"As usual." Sagot ko rito. Napabuntong-hininga ako habang tinatanggal ang mga noodles, at mga dumi sa aking sarili habang nakaharap padin sa salamin.
d>_<b
"Pero, p-paano nangyari 'yon!? Magkasama lang tayo kanina, lumabas lang ako para bumili ng pagkain, pagka-balik ko--ganyan na itsura mo?! Wow, just wow! Anong nangyare? Anong ginawa nila sa'yo?!" Sunod-sunod na tanong niya at nagheheristerical pa. At mas lalo akong nainis dahil magdadaldal nanaman siya. Walang oras na hindi siya nagsasalita ng madami, segu-segundo ay may sinasabi siya.
d-.-b
Hindi ko na siya pinansin. Binuksan ko ang gripo saka naghilamos. Matapos maghilamos at malinis ang aking mukha ay saka ko kinuha ang panyo na nasa gilid ko, saka ako nagpunas ng mukha.
"Hello?! I'm waiting?! May kausap ba ako ha? Tinatanong kita, Kaiceelyn!" Naasar na sita niya. Wala akong ibang nagawa kundi pakinggan siya, kaya bumuntong-hininga ako
bago tignan siya gamit ang salamin na nasa harapan ko. Panigurado kasing hindi 'yan titigil hangga't hindi ko nasasagot ang tanong niya. Kingina.d-.-b
"Ganto nga kasi 'yon, 'diba lumabas ka ng canteen? Nung lumabas ka nang canteen, saktong may pumasok na grupo. Hindi mo sila napansin syempre kasi don ka sa exit, at doon sila pumasok syempre sa entrance, eh magkalayo ang entrance at exit diba?" Paliwanag ko.
"Grupo?! So it means, marami silang nantrip sa'yo? W-what the hell?"
"Oo, grupo. Yung pinakauna sa kanilang naglakad ang unang pinagtripan ako nung makalapit sila. Samantalang yung dalawa sa likod niya ay puro tawa, tsaka ngisi. Tss, mga walang magawa sa buhay." Naiinis na kwento ko muli habang inaalala yung nangyari kanina sa canteen. Recess namin kanina.
d>>_<<b
"What?! Ah, so yung nantrip sa'yo ay yung leader siguro?!"
"Oo. Halata naman eh."
"Oh tapos? Ano ginawa sa'yo ng leader?!"
Bumuntong hininga ako sa sobrang kawalan ng pag-asang makatakas sa bibig ng babaeng 'to. "Tinapunan nga ako ng mga pagkain. Hindi ba obvious?"
d-.-b
"Nako-nako! Sino ba 'yang mga 'yan ha?! Yung mga nantrip din ba sayo nung first subject natin kanina?! Yung mga babaeng mukhang unggoy?!"Naiinis na tanong niya.
Naalala ko nanaman yung nang-bully sa'kin kaninang first subject namin. Pinalinis ba naman ako ng hallway, tapos tuwing tapos na ako maglinis ay magtatapon sila ng basura, mga inumin, mga dahon mismo sa hallway. Nakakaasar. Pero, wala paring epekto 'yon para sa'kin, sa totoo lang.
BINABASA MO ANG
A SUDDEN LOVE STORY.
Romansa"I didn't expect it to come, but, I'm starting to like the way it came."