GAVIN TYRONE FORD'S POV."Murahin mo na ako't lahat-lahat ngunit huwag na huwag mong ugaliing idapo ang palad mo sa'kin dahil pagsisisihan mo kapag dumapo 'din ang palad ko sa'yo."
"Murahin mo na ako't lahat-lahat ngunit huwag na huwag mong ugaliing idapo ang palad mo sa'kin dahil pagsisisihan mo kapag dumapo 'din ang palad ko sa'yo."
"Murahin mo na ako't lahat-lahat ngunit huwag na huwag mong ugaliing idapo ang palad mo sa'kin dahil pagsisisihan mo kapag dumapo 'din ang palad ko sa'yo."
NAGPAULIT-ULIT sa aking pandinig ang sinabi ng babaeng nasa harapan ko kanina na ngayo'y palabas na ng canteen. Tumikhim ako at umigting ang panga ko dahil sa sinabi niya. May kung anong enerhiya ang bumuo ng galit sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Naguminit ang dibdib ko dahil sa galit at dahil na rin sa lakas na kung anong meron siya at para sabihan niya ako ng ganoon.
Unang beses. Unang beses na nangyari sa buhay ko ang ganito. Kadalasan ay ang mga binubully ko ay tahimik lang at tinatanggap lahat ng ginagawa ko ngunit sa isang babaeng iyon ay tila ba isa lang akong langgam para sa kaniya na inaangas-angasan at inaapak-apakan niya lang. Na kala mo kung sinong matapang. Unang beses kong maranasan ang ganito.
d>>__<<b
'Kapag nalaman ko lang ang pangalan mo, lintik ka saki'ng babae ka!'
Inis na inis akong pumikit at dumilat muli. Saka dali-daling tumayo. Agad akong inalalayan nila Jayven ngunit agad kong iniiwas at itinanggal ang mga kamay nila na sa aki'y umaalalay. Agad akong nakaramdam ng hiya habang inaalala ang kaninang pag-tulak niya sa akin ng marahan na nagawa akong mapatumba agad.
d>_<b
"D-dre, are you okay?" Nagaaligagang tanong ni Spencer na hinawakan pa ako sa balikat. Agad akong umiling. Nagulat naman ang mga mata nila ni Jayven.
"G-gusto mo bang idala ka na namin sa Hospital?" Natatarantang tanong ni Jayven. Umiling naman ako at bumuntong hininga habang nakatingin sa exit na kung saan ay kanina galing ang babae.
"No need, dre. Wala akong maski isang galos, see?" Sabi ko na ipinakita ang mga balikat at kamay ko. Tila nakahinga naman sila ng maluwag.
"Sigurado ka? Wala talaga?" Pagsisigurado ni Spencer. Tumango naman ako bilang pag sagot.
Lahat nang mga tao sa canteen ay tila ba nakatingin pa din sa akin at animong hindi makapaniwala sa nakita. Agad akong nagalit nang panandalian dahil sa pagkakahiya ko kanina.
"What the fuck are you looking at?! Go and eat your lunch!" Sigaw ko sa lahat na ikinagulat nilang lahat at dali-dali silang nagtayuan upang bumalik sa kanila-kanilang upuan at aligagang kumain. Ikinuyom ko ang palad ko habang nakatingin pa din sa exit door. At saka ko naalala ang itsura ng babaeng pangalawang beses ko nang nakita.
Medyo may katabaan ngunit hindi naman masyadong mataba. Mahaba at bagsak ang buhok. Medyo may katangkaran pero sinisigurado kong mas matangkad ako. AND SHE'S UGLY! YES! For me, ang pangit niya! Nagmukha pa siyang lalong pangit nung binuhusan ko muli siya ng pagkain! Tutal mahal niya siguro ang pagkain! Sabihin man ng iba na may itsura siya, pero para sa akin, isa siyang malaking pangit na babae!
d>_<b
"Dre, calm down." Nakikiusap na sabi ni Spencer na iniawat pa ang kamay niya. Pinipigilan na magalit ulit ako.
"How can i calm down, dre? That was my first time, dre! Ni minsan walang nagbalak na ibang taong humawak sa'kin! Maski makipag sagutan sa'kin! Siya lang ang nakagawa non at ang mas malala pa'y napatumba niya agad ako! How can i calm down, Dre?" Nagpipigil na ani ko.
BINABASA MO ANG
A SUDDEN LOVE STORY.
Romansa"I didn't expect it to come, but, I'm starting to like the way it came."