•CHAPTER TWO•

266 2 2
                                    

Chapter Two.

KAICEELYN DHRECX'S POV.

"I-ikaw ang target niya ngayon??"Hindi makapaniwalang tanong ni Erica. Wala sa kasiguraduhang napatango ako bigla. Nang malaman kong isa siyang bully ay wala akong naramdamang kakaiba. At nang marealize ko na baka nga ako ang target niya ay hindi din ako kinabahan. Dahil siya dapat ang kabahan sa'kin.

d-.-b

"Oh my god," Gulat na gulat na sabi ni Julia sa gilid na nakatakip pa ang bibig gamit ang dalawang kamay. Napatingin naman ako jay Erica na gulat din. "Tss." Nasabi ko nalang dahil sa oa na pag react nilang dalawa.

"Wala namang kasiguraduhan 'yon." Sabi ko.

"Eh pano kung totoo nga na baka ikaw na ang target niya ngayon, Kai?" Tanong ni Julia. Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. "Ewan. Edi mabully." Nakangiting sagot ko. Napairap naman siya bigla.

"Siraulo ka talaga eh noh?" Masamang tingin niya sa'kin. Nag-kibit balikat nalang ako nang may halong ngisi, para asarin siya. Hindi ko alam kung bakit hindi manlang ako tablan ng takot.

d-.-b

'Honest lang hehehe.'

"Oh m-my God, papunta yata siya doon sa likod!" Rinig naming sigaw ng babae. Napatingin kami sa kaniya at nakatingin nga sila sa'min. Halos lahat sila napatingin sa'min.

Agad na nagtaka sina Julia at Erica. At doon nila nakita na papalapit nga sa'min ang grupo nila Gavin. Siga itong naglalakad papunta sa'min habang may hawak hawak na drinks sa kabilang kamay habang nakapamulsa ang isang kamay. Siya ang nauunang maglakad kesa sa dalawa, na nananatiling nasa gilid niya lagi. And worst, nakatingin sa'kin ng deretso si Gavin.

"O-omg," sabi ni Erica dahilan para mapatayo silang dalawa ni Julia at tumabi sa'kin bigla na parang naalarma. Samantalang ako'y walang pake-alam na nakatingin sa kaniya habang nakaupo parin.

I crossed my arm and look at him with a poker face. Nang makalapit siya ay ngumiti siya at saka humigop sa iniinom niya. At nang matapos mahigop ay bigla niya itong ibinuhos sa'kin. Ibinuhos niya ito magmula sa buhok ko dahilan para mabasa ang ulo at mukha ko. Napasigaw ang iba maging si Julia at Erica.

"Oh my God!"

"Shit!"

"Awwww, so awful."

"Halaaaa,"

Napapikit ako dahil sa inis na naramdaman ko dahil pangalawang beses na ito! Naikuyom ko ang palad ko habang dumadausdos ang liquid na iyon pababa mula sa buhok ko. Saka ko naikuyom ang palad ko.

Narinig ko naman ang tawanan nang mga nasa harap ko na sina Gavin at mga kaibigan niya. Napakapit naman sina Erica at Julia sa aking balikat.

'K-kingina pangalawa na 'to ah..'

"Bwahahaha!" Tawa nila. Malakas ang tawa ni Gavin at halatang nang-aasar. Bumuntong-hininga ako saka ako nagmulat at tinignan ng deretso ang tatawa-tawang Gavin. Saka niya namalayan na nakatitig ako sa kaniya kaya sumeryoso siya bigla.

"Uhmm, i think, may kulang pa," Aniya na inilagay pa ang kamay sa baba at ang isang daliri ay sa gilid ng noo na kunwari'y nagiisip. Saka  niya bigla kinuha ang pagkaing nasa lapag na kinakain kanina ni Julia saka iyon binuhos sa mukha ko! At doon ay napatawa na lahat ng tao sa canteen maliban sa'min nila Julia at Erica. Napabuntong-hininga muli ako saka nagdilat muli dahil napapikit ako kanina nang buhosan niya muli ako ng pagkain.

A SUDDEN LOVE STORY.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon