Aria's POV
" Ma'am mamaya pa po pupunta dito si sir Rius " sabi sakin ng pinsan ko na manager nitong Cafe.
Magkaaway kami ngayon kaya kunwari di kami magkakilala. Gusto niya rin na pag working hours, lahat tatawagin niyang ma'am and sir.
" ah... ganun ba sige I'll wait nalang, I'll order 1 Love Espresso saka Cherry ever after cake na rin " sabi ko at nginitian ko siya. Nasa tapat na rin naman ako nung counter kaya nag order na rin ako.
" ok po ma'am " nginitian niya ako pabalik. Pero yung ngiting napilitan lang.
" ay ma'am wag niyo na po bayaran " pagpigil nito akin dahil akmang kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko.
" Bilin po ni sir na libre ka na daw po sa tuwing kakain ka dito " nginitian niya ako in a way na parang may hidden meaning. " type ka ata"
" hindi, masamang mag assume " ano ba... wag mo ako paasahin na gusto rin ako ni Aquarius... alam ko namang hanggang befriends lang kami.
" Malay mo " habang inaabot yung serving tray na may laman ng order ko.
Napailing nalang ako at pumunta sa favorite spot ko sa cafe na to. Yung nasa pinakacorner malapit sa mga bookshelves.
Kung matutuloy man yung plano ko na pumunta ng ibang bansa siguro yung cafe na ito yung pinakamamimiss ko. Mamimiss ko yung Awanggan cafe.
Awanggan ang ibig sabihin nun ay walang hanggan o forever. Love themed yung cafe, ewan ko ba kay Aquarius, may ari ng ganitong cafe tapos single naman. Pero other than this cafe may mamimiss akong isang tao at si Aquarius yun. Pakiramdam ko nga ay manghihinayang rin ako kung aalis ako ng bansa na di naaamin yung nararamdaman ko para sakanya. Ang hirap na kasi itago nito, pakiramdam ko ay bigla nalang sasabog tong puso, di ko na nga ata kakayanin.
Paubos na yung pagkain ko nang makarating si Rius (Aquarius ).
" Uy Aries" bati nito sakin sabay upo sa upuan na nasa tapat ko.
" Anuba di Aries pangalan ko, Aria kasi A.R.I.A " sinamaan ko siya ng tingin.
" cute mo talaga " marahan niyang kinurot yung pisngi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin, kunwari galit ako pero sa totoo lang gusto ko talaga pag kinukurot niya yung pisngi ko.
" Aria namiss kita. Ilang weeks na tayong di nakapaglaro sobrang busy ka ata " naka pout niyang sabi
" tsk namiss, talaga ba? " tanong ko. Syempre patagong kilig namiss ako eh hahaha.
" Oo namiss ko tahong mo yiee " tumatawa niyang sabi saakin.
" Penge ako " kinuha niya yung mug ng love expresso ko at ininuman niya agad, " thanks bait talaga "
Puta di pa nga ako nagsasabi kung pwede siya uminom eh. Pero pabayaan ko nalang love ko naman siya eh.
' Napakarupok mo Aria '
" tahong? Namiss mo? Yung niluluto ko? " tanong ko.
" hindi yung tahong mo kasi mismo yung namiss ko tagal na tayong di naglalaro sa bed eh " nangaasar niyang sabi.
" ahh.." ewan pero masakit. Ang sakit nasampal ako ng katotohanan na paraosan nga pala namin ang isa't isa.
Lagi naman kami nagbibigay ng dirty jokes sa isa't isa kaya dapat sanay na ako, siguro wala lang ako sa mood makipaglokohan ngayon.
Di ko na maalala kung kailan kami nagstart maging magfubu di ko na rin alam kung anong pumasok sa isip ko kung bakit pumayag ako sa ganito. Siguro dahil uhaw na uhaw na ako sa mga halik niya at sabik na sabik na ako sa haplos niya. Siguro nga kaya pumayag ako kasi sa kama ko lang nararamdaman na mahal niya ako at pag nasa kama kahit papaano kahit sandali lang pakiramdam ko special ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Playdate
Short StoryPaano ka ba magmahal? Matapang ka ba? Kaya mo bang ipagsigawan sa mundo na mahal mo siya kahit walang kasiguraduhan na mahal ka rin niya? O... baka tulad ka rin nila? ....Duwag..... Masyadong takot na magpahiwatig ng nara...