July 7, 2017
Taurus' POV (FLASHBACK)
Nagising ako na masakit halos buong katawan ko. Sa sobrang kalasingan ko kagabi sa sofa na ng sala ako nakatulog. Umupo ako at ginalaw ang leeg ko mula kanan pa kaliwa
' pop '
"Ahhh," sarap talaga magpatunog ng leeg. Ganun rin yung ginawa ko sa ibang parte ng katawan ko at unti unti akong nakaramdam ng ginhawa.
Tumingin ako sa paligid ko, Si Archer at Leo mahimbing ang tulog sa isa pang sofa.
" Saan kaya yung ibang tukmol," sabi ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa hardin kung nasaan kami nag-inuman.
Dun ko nakita si Scorpio na nakahiga sa mesa, si gemini na nakapatong ang ulo sa upuan at may hawak pang beer, si Canny na nakahiga sa dalawang upuan na pinagtabi at si Adara na nakatayo sa harap ko at nag kakape— huh ano?!
"Uy Virgo! Gising ka na rin pala," pag bati ko. Virgo tawag namin sakanya kasi ang ibig sabihin ng Adara ay virgin.
" Good morning, gusto mo kape? " nakangiting inalok niya ako.
" Hindi na ok lang ako, nasaan yung iba? " Tanong ko.
" Si Atalanta, Capricorn at pisces bumibili ngayon ng umagahan," naglakad siya papasok sa bahay. " Yung pinsan mo pati si Aqua nawawala, nakita mo ba ?" Nagtatakang tanong niya.
" Hindi pa... Pero si Aria baka nasa kwarto niya, may kwarto siya dito sa bahay ko eh," sagot ko.
" Eh si Aqua? Sa pagkaka-alala ko bigla nalang silang nawala kagabi." Humigop siya ng kape.
" Baka nakitulog lang sa kwarto ni Aria, tara samahan mo ako. "
Umakyan kami sa second floor papunta sa kwarto ni Aria pero naka lock yung pinto.
" Bat ganun ... " Nagtaka ako, bakit naman naka lock pinto ni Aria.
Binuksan ko yung maliit na drawer malapit sa pinto ng kwarto niya. Nandun lahat ng extra na susi.
" Ayun!" Sabi ko nang makita ko yung susi na may keychain na "A".
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago tuluyang buksan yung pinto at hindi ko inaasahan ang nakita ko.
" What The Fu— " di na natuloy ni Adara ang sasabihin dahil tinakpan ko yung bibig niya.
" Wag ka maingay," sinaway ko siya.
" fuck... " pabulong niyang tinuloy ang sasabihin niya.
Tumambad saamin ang nakakalat na damit ng pinsan ko at ni Aquarius sa sahig, sa kama naman ay nakita naming nakayakap siya kay Rius at parehas silang kumot lang ang nakatakip sa katawan.
( end of flashback )
Taurus' POV
" Huy Taurus, lalim ata ng iniisip mo? " tanong sakin ni Adara.
"Wala, Pitong beses ko na kasing tinawagan si Aria pero di sinasagot. Gusto ko lang naman kamustahin, baka di siya naaalagaan ng maayos ni Rius," sagot ko
" Speaking of Aria and Rius... gaano katagal na ba silang magjowa? Eh diba halos nagkakahiyaan yung dalawa lagi? Saka if matagal na silang magjowa, bakit di nila sinabi sa squad? Tapos ngayon lang natin nalaman kung kailan preggy si Aria." Napakunot noo siya.
" Di ko rin alam... pero naalala mo yung araw na nakita natin sila sa kwarto?" Tanong ko.
" Oo, diba sabi mo wag na natin pag uusapan uli yun? Kahit sila Aria nga di alam na nahuli natin sila. Why did you bring it up ? " Tanong niya bago isubo yung isang buong lettuce wrap sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
Playdate
Short StoryPaano ka ba magmahal? Matapang ka ba? Kaya mo bang ipagsigawan sa mundo na mahal mo siya kahit walang kasiguraduhan na mahal ka rin niya? O... baka tulad ka rin nila? ....Duwag..... Masyadong takot na magpahiwatig ng nara...