siyam

92 2 4
                                    

9: 00 am

Aquarius' POV

9:00 am nang i-ring ko ang doorbell sa condo unit ni Aria. Nasa tabi ko si Taurus, nagbabakasakali ako na baka kapag nandito si Taurus ay di ako maiiwasan ni Aria. Naalala ko nanaman yung sinabi niya....

'Ayaw muna kita makita'

Pagbukas ng pinto ay bigla akong napatago sa likod ni Taurus marahil ay kinakabahan akong makita si Aria.

" Oh insan bat nandito ka? " Pagbati ni Aria kay Taurus.

" Ah eh... " Nilingon ako ni Taurus at hinawakan ang magkabilang braso ko at iniharap ako kay Aria.

" Ahh.. Hi? " Sabi ko habang natatakot na nakangiti at nakatingin sa gulat na mukha ni Aria.

" Dinala ko lang tong' tatay ng anak mo. Siya yung boyfriend mo diba insan? " Tuwang tuwa na sabi ni Taurus.

" Congrats sa baby ny-," di na natapos ni Taurus ang sasabihin nang padabog na isara ni Aria ang pinto.

" Luh, matindi ata galit ng insan ko pre." Sabi sakin ni Taurus. " Wag ka magalala di ka matitiis nun. "

" huh? Pano mo nasabi? " Nagtatakang tanong ko.

" Basta bilang ka sampu. " Utos saakin ni Taurus.

Sinunod ko naman

" Isa"

" Dalawa "

"Tatlo"

" Apat"

"Lima"

"Anim"

"Pito"

"Siyam "

Sasabihin ko na sana ang sampu nang biglang magbukas ng pinto.

" Kayong dalawa pasok bilis bago pa magbago isip ko, " seryosong sabi ni Aria.

Siniko ako ni Taurus. " Sabi ko sayo eh di tayo matitiis" bulong nito.

......

" Puta ka ," pabulong na sigaw sakin ni Aria.

Nasa kwarto niya kami ngayon habang si Taurus ay nilalantakan ang cupcakes sa kusina ni Aria.

" Totoo ba? " tanong ko.

" Puta ka, puta ka, tangina mo , nangigigil ako," naiinis na sabi niya.

Masama ang tingin niya sakin at nakakuyom ang mga palad niya na para bang maya maya ay susuntukin na niya ako.

" Totoo ba na buntis ka? "

" Puta ka! Nanggigigil ako sayo! " Napasigaw na siya at sinampal ako.

"Sorry, " Napapikit siya at napakagat ng labi siguro para pigilan yung inis niya. " Sorry nasampal kita.. " Paguulit niya at napaupo siya sa kama niya.

PlaydateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon