Aquarius' POV
6:00 p.m
Tinatalian ko ngayon si Aria habang nanonood kami ng K-drama. Buti nalang medyo kumalma na siya ngayon, kanina kasi pag uwi ko galing sa Cafe nakita ko siyang umiiyak sa loob ng closet. Tapos ayaw niya sabihin kung bakit , sabi niya wala lang daw yun pero sinong taong iiyak nang ganun pero walang rason? Nababaliw na ba siya?
Nagtanong ako kanina kay Canny if may problema ba si Aria pero sabi niya normal lang daw na maging emotional pag buntis kaya pag pasensyahan ko nalang daw.
Randam ko na may bumabagabag sa utak ni Aria pero ayaw niya sabihin sakin.
" Sabi pala ng kuya mo kanina wag ka na daw ulit iinom ng wine or any alcoholic drinks," sabi ko sa kanya habang bini-braid yung buhok niya.
" Nakakasama daw yun sa bata, wag na daw uulitin," dagdag ko.
"Ayan! Di ka na mukhang bruha," sabi ko nung tapos ko na talian ang buhok niya.
Pansin ko na kanina pa siya tahimik. Umupo ako sa harap niya at ikinagulat ko nalang nang makita ko siyang umiiyak uli.
" shh... Aria why? " I cupped her face and wiped her tears using my thumb.
" Natatakot ako... " Mahinang sagot niya.
" Saan? " - Aquarius
" Sa mga nangyayari at mangyayari," sabi nito na may unting pag piyok pa. Kinuha niya yung pillow sa tabi niya at dun niya sinubsob yung mukha niya habang umiiyak.
" Mangyayari? Sa bata? Dahil uminom ka ng wine? " Tanong ko.
" H...hmindi , takot ako na matulad sa parents ko," -Aries
" Tapos di ko na rin kayang magsinungaling sa mga kaibigan natin at sa iba pang tao," dagdag niya.
Hinawakan ko ang kanang kamay niya at marahan itong pinisil. Hinayaan ko muna siyang tapusin ang mga sasabihin niya.
" Natatakot ako na magalit sila pag nalaman nila yung totoo, na baka tulad kela mom, pilitin rin tayo magpakasal. Natatakot ako sa lahat ng possible na mangyari. " Umiyak siya lalo.
Niyakap ko lang siya, di ko alam kung ano bang dapat kong sabihin.
Aria may appear as someone na matapang at medyo warfreak minsan pero she's actually a fragile person who overthinks about a lot of things.
Matapos ang ilang minuto ay tumahan na siya. Nagpaalam ako sa kanya na may kukuhain lang. Bumaba ako papunta sa kusina para kumuha ng dalawang strawberry samanco icecream. Pagbalik ko sa kwarto ay nakaupo si Aria sa kama habang tinitignan ang sarili sa salamin.
" Ang galing ko mag braid no? " tanong ko.
Humarap siya sa direksyon ko." Oo, ang cute. Thank you," nakangiti niyang sabi.
Gumaan ang pakiramdam ko nang makita ko siyang ngumiti. Gusto ko makita ang ngiting iyon araw araw hanggang sa mamatay ako. Wala akong pakialam kung ang maging rason man ng pagngiti niya ay ako o ibang tao basta ang gusto ko lang makita siyang masaya.
BINABASA MO ANG
Playdate
Short StoryPaano ka ba magmahal? Matapang ka ba? Kaya mo bang ipagsigawan sa mundo na mahal mo siya kahit walang kasiguraduhan na mahal ka rin niya? O... baka tulad ka rin nila? ....Duwag..... Masyadong takot na magpahiwatig ng nara...