*Riiiingggggg*
Nagising nalang ako bigla dahil sa alarm clock ko, pagmulat ko ay agad agad ko itong itinapon at nagulat nalang ako nang may biglang sumigaw.
"ARAAAAAAAAY!!!" tinignan ko kung sino yung sumigaw at nakita ko si mama nakatayo sa may pinto habang hinihimas yung ulo niya.
"Si mama lang pala." Pinikit ko ulit yung mga mata ko at bigla kong naisip, teka. Agad agad kong minulat yung mga mata ko.
"Si Mama?!!" Lumapit agad ako kay mama at humingi ng tawad.
"Mama sorry po hindi ko po sinasadya. Ikaw kasi, bat po kasi kayo nakatayo diyan malapit sa pinto?! Yan tuloy, natamaan yung ulo niyo ng alarm clock." Kitang kita sa mga mata ni mama na umaapoy ito sa galit, tinikom ko nalang agad yung bibig ko at hinanda ko nalang yung sarili para sa mga sirmon ni mama.
"At ako pa yung may kasalanan?!! Eh, pasalamat ka nga pumunta ako dito sa kwarto mo para gisingin ka! Pero, imbis na gisingin kita binato mo ako ng alarm clock mo. Alam mo ba kung anong oras na?! Unang araw palang ng klase ay late kana!" Nanlaki bigla yung mga mata ko at agad agad akong pumasok sa banyo para maligo. Nagsalita ulit si mama pagkatapos ay bumaba na siya sa kusina. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako at bumaba na papuntang kusina.
Nakita ko si mama na nakaupo na pati rin si papa at ang kapatid ko.
"Goodmorni-." Hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko nang biglang nagsalita yung emo kong kapatid.
"Walang good sa morning." Pagkatapos niyang magsalita ay tumayo na siya.
"Ay, bitter? Teka, tapos kanang kumain?" Tumingin siya sakin at inirapan niya lang ako.
"Ay, bitter nga. HAHA." Ansama ko bang kapatid? Well, slight lang naman. HAHA. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako kay mama tiyaka kay papa pagkatapos ay umalis na ako.
---
Ngayon ay nandito ako sa may sakayan ng jeep para sumakay papuntang school, teka nga. Kanina pa ako nagsasalita dito di niyo pa pala ako kilala. Ito kasi si Ms. Author napakaganda masyado kaya di ko tuloy namalayan.
[A/N: THANKYOU! ;* HAHA.]
Anyways, ako nga pala si Ella Mae Gonzales ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa, haha. Di yun joke totoo yun. HAHA. 17 years of age. Nakatira sa may ilog pasig, joke. Nakatira ako sa bahay namin, basta dun ako nakatira. Ako ay nag-aaral sa St. Celestine Comprehensive Highschool. At kung minamalas ka nga naman, ang traffic late na talaga ako sa first day ko . Oo, nga pala ako ang isa sa mga sikat na Gossip Girl. I Love Gossips! <3
Sa waaaaaaaakas! Nandito narin ako sa school.....
