Four

25 1 0
  • Dedicated kay HerBAM
                                    

Kakagising ko lang at tinignan ko yung orasan at maaga pa. Pumunta na ako sa banyo ko para maligo pagkatapos ay bumaba na ako papuntang kusina. Kumuha nalang ako ng tinapay at nagpaalam na kina mama't papa.

Nang makarating na ako sa school at habang naglalakad ako ay rinig na rinig ko yung mga babaeng nakikipag chika sa mga friends nila.

"Haaaaaaaaaaay naku girls! Alam niyo ba, may bagong transferee raw sa Section B and guess what?!" Sabi nung babaeng ang kapal ng make-up na naka clevage. Grabeh ang laswa. -_-

"Whaaaaat?!!" Sigaw nung mga kaibigan niya na ang kapal ng mga make-up at naka clevage rin katulad niya.

"Ang gwapo niya tiyaka ang YUMMMYYYYYY niyaaa!!! Kyaaaaaaah!!" Tumili siya, nakakabasag siya ng eardrums. >.<

"Kyaaaaaaaaaah! Talaga?!! We want to meet him! Kyaaaaaah!!!" Sigaw ng mga kaibigan niya. Grabeh ha, ang lalandi nila. Argh! Nakakainis! Nakakabasag sila ng eardrums!

"Aheeem, Hindi kayo papansinin nun." Sabi ko sa kanila. Narining ko nalang yung sabi ng babae na nagsabing yummy raw si Charles.

"At sino kanaman?" Imbis na sagutin ko yung tanong niya ay umalis na ako dun pero narinig ko nalang na sumigaw siya.

"Hoy babae! Teka kinakausap pa kita!" Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy parin sa paglalakad hanggang maka abot ako sa room ko.

Umupo ako sa upuan ko at nakita ko yung Charles na yun na nagdradrawing ata. Habang papalapit ako sa upuan ko ay di ko maiwasang mag init ang ulo ko dahil sa kanya. Umupo nalang ako dun sa kinauupuan ko at kinuha ko muna yung phone ko habang naghihintay sa teacher namin. Tumingin muna ako sa mokong na yun at tinignan ko yung mga drawings niya at napahawak nalang ako sa bibig ko habang nagpipigil ng tawa dahil kalalaki niyang tao ay yung mga ginuguhit niya ay puro doraemon?! Seriously? BWAHAHAHA!!! Mr. Buenavista, get ready for my Revenge. HAHAHAHA! (Evil Laugh)

--

Pagkatapos ng klase ay nagmamadali akong pumunta sa canteen upang kumain dahil hindi ako kumain ng breakfast kaninang umaga. Agad akong omorder at pumunta sa may bakanteng upuan, tinapos ko muna yung pagkain ko pagkatapos kong kumain ay agad kong kinuha yung phone ko at pumunta ako sa website ko, exclusive ito sa school. Ang pinost ko ay "Hey guys! Wanna know a secret? Alam niyo ba yung lalaking transferee na taga Section B ay, Bakla! Bading! Baklouush! HAHAHA. Believe me or not pero yun ang totoo."

Pagkatapos kong mapost yun ay nagulat nalang ako ng may tumabi sakin.

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko.

"Edi kumakain. Obvious ba?" Pilosopo talaga.

"Ewan ko sayo!" Tumayo ako at maglalakad na sana palayo pero nadapa nalang ako bigla at na subsob yung mukha ko sa sahig. Nagtitinginan yung mga tao sakin at pinagtatawanan ako. Tumayo nalang ako at tinignan ko yung Charles na yun.

Rumor Has ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon