Ang weird ng panaginip ko ha, bat siya nagsosorry? Wala naman siyang kasalanan. Haaaay. Anong oras na ba? Tinignan ko yung orasan kung anong oras na, maaga pa. Naligo nalang ako at kumain tiyaka nagpaalam na ako kay tito pagktapos ay umalis na.
Naglalakad ako sa campus ngayon at narinig ko nalang na nagbubulungan yung mga estudyante sa paligid, hindi ko nalang sila pinansin.
"Pssst!" Hindi ko nalang pinansin kung sino yun at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
"Pssst!" Sino ba yun? Hindi ko parin pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Charles!" Tiyaka lang ako huminto at lumingon lingon.
May lumapit saking babae.
"Sino ka?" tanong ko.
"Basta! Sumama ka nalang!"
"Ba't naman ako sasama sayo eh hindi nga kita kilala." sabi ko.
"Okey fine! I'm Stacey." pagkatapos nun ay hinila niya na ako.
"Hoy, ano bang kailangan mo sakin?!"
Humarap siya sakin.
"Alam mo ba kung sino ang nagpakalat ng tsismis na bakla ka?""Hindi."
"Si Gonzales! Si Ella Mae Gonzales! Siya ang nagpakalat nun! " sabi niya.
May sasabihin pa sana siya nang may tumawag sa apilido ko.
"Mr. Buenavista! Please come to my office."
Tinignan ko ulit yung Stacey na yun pero pagtingin ko wala na siya kaya sumunod nalang ako sa teacher ko.
Teka sabi niya sa office niya ba't nandito kami sa office nang principal?
"Maam bat na-" naputol yung sasabihin ko dahil binuksan na ng teacher ko yung pinto at pumasok siya tiyaka sumunod ako.
Nagulat nalang ako dahil nandun yung lalaking sinuntok ko kahapon.
"Please sit down Mr. Buenavista." sabi nung principal.
"Mr. Reyes please explain to me what really happened yesterday." sabi ng principal sa mokong na yun.
"Maam, ganito po kasi yung nilapitan ko po siya para makipagkaibigan. Ka-" naputol yung sasabihin dahil nagsalita ako.
"Sinungaling! Hindi ganun ang nangyari!" Sigaw ko sakanya.
"Mr. Buenavista! Sit down! I'm not talking to you! Please continue Mr. Reyes." sabi nung principal.
"Yun nga po maam makikipagkaibigan sana ako sakanya kaso bigla niya po akong sinuntok." napatingin ako sa mokong na yun at sinuntok ko.
"Gago! Sinungaling! Maam hindi po yun ang totoong nangyari, ganitopo kas-" naputol bigla yung sinabi ko dahil nagsalita yung principal.
"Enough Mr. Buenavista! Detention! Now!"
"Mrs. Guevara?" Tanong niya sa guro ko.
"Pakihatid si Mr. Buenavista sa Detention Room."
Wala na akong nagawa kaya sumunod nalang ako sa guro ko. Habang papasok ako sa detention room ay may nakita akong babae.
Ella.