Two

45 2 2
  • Dedicated kay Honey Estroba
                                    

"Wooowww!" Papasok palang ako ng St. Celestine Comprehensive Highschool ay namangha na agad ako dahil anlaki pala ng school na ito tiyaka anlinis ng paligid. Hinanap ko agad yung room ko at nang nakita ko na ay agad akong pumasok tyaka umupo sa likuran. At kung sinuswerte ka nga naman, wala pa si maam. :D

Habang hinihintay naming lahat si maam, ay inilabas ko muna yung phone ko. May ginawa akong Website, lahat ng nasasagap kong gossips ay dito ko pinopost. Ilang minuto palang ang lumilipas ay pumasok na yung teacher namin.

"Okay. Goodmorning class. I'm Mrs. Connie DelaCruz, I will be your adviser for this whole school year. Since it's your first day, I want to meet each and everyone of you. Starting from, YOU." Nagulat ako bigla dahil sakin nakaturo yung hintutoro ni maam.

"Me maam?" Badtrip naman oh! Kaya nga dito ako umupo sa may likuran para hindi ako mauna sa pagpapakilala, pero mali pala ako.

"Yes you." Wala na akong nagawa kaya tumayo nalang ako tiyaka pumunta sa harapan.

"Goodmorning, My name is Ella Mae Gonzales. 17 years of age, mahiligakongkumain, kumanta, sumayaw tiyaka mahilig sa mga gossips." Pagkatapos ng pagpapakilala ko ay sunod sunod na rin yung pagpapakilala sa mga kaklase ko, pagkatapos magpakilala ng lahat ay nagsalita na si maam.

"Okay, since this is your first day. Maaga ko kayong e didissmiss. Siguro, after a week na ako mag lelecture sainyo. Kaya, Class Dismiss." Yes! HAHAHA.

Umalis na ako ng classroom tiyaka pumunta sa canteen. Nang papunta na ako dun ay nagulat nalang ako dahil may nagkakagulo. Dahil kilala ako bilang Gossip Girl, agad agad akong lumapit dun at nakipag siksikan. Narinig ko nalang bigla ng may sumigaw. Uy, I smell gossip here.

"Hoy babae! Look what you did to my precious dress?! Tinapunan mo pa ng spaghetti. Alam mo bang masmahal pa to sabuhaymo?!" Hala, ang mahal ng dress niya ha.

"Sorry Stacey, hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako." Nakita ko nalang yung babae na lumuhod sa harapan nung Stacey na yun. Tama lang pala na pumunta ako dito dahil may nasagap akong gossip. HAHAHA! Kinuha ko yung phone ko at pinicturan ko yung Stacey pagkatapos ay pinost ko ito sa website ko. HAHAHAHA.

Pagkatapos nung pangyayaring yun ay umuwi na ako kaagad sa bahay namin.

---BAHAY---

Haay, sa wakas at nakauwi narin. Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko yung kapatid ko na nakaupo at nanunuod ng tv sa sala.

"Hoy, Patrick!? Nasan sina mama at papa?" Tanong ko.

"Si mama nandun sa kapitbahay nakikichismiss na naman. Si papa naman nasa trabaho pa." Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumayo siya at umalis.

"Oh, san ka pupunta?" Tanong ko. Tinignan niya lang ako tiyaka umalis. Bahala nga siya .

Umakyat ako papuntang kwarto ko at binuksan ko yung laptop ko tyaka pumunta ako sa website ko, tinignan ko yung pinost ko kanina umabot na sa 3k likes at 2k comments. Tinignan ko yung mga comments nila may mga nagcomment na, "Bagay lang yan sa kanya ang sama kasi ng ugali niya." may nag comment rin ng "Nakakaawa naman siya. HAHAHA." at may napansin akong comment na ang sabi "LAGOT KA SAKIN! KUNG SINO KA MAN. WALA KANG KAWALA. >.<". Natawa lang ako sa comment na yun, HAHAHA! Nag blackmail pa siya sakin ah, as if naman naman na matatakot ako sa kanya.

Pagkatapos ko basahin yung mga comments ay tinignan ko muna yung oras, time check: 3pm. Natulog muna ako at pagkagising ko ay gabi na pala. Bumaba muna ako papuntang kusin at sakto nakita ko si mama na naghahanda na ng makakain. Umupo agad ako upuan at kumuha na ng pagkain.

"Grabe nakakagutom pala ang matulog." sabi ko.

"Tamad ka kasi, puro gossips lang yung nasa isip mo." sabi ng kapatid ko.

"May sinasabi ka?" As if nalang na wala akong narining kasi gutom na gutom na ako, di ko nalang pinatulan yung kapatid ko.

"Wala, sabi ko kakain na ako." sabi niya. Hmf! Bahala na nga siya. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko at naglaro muna ako sa phone ko ng Candy Crush. Pagkatapos kong maglaro ay natulog na ako. ZZZZZZZZZZZZZzzzzzzz...

[A/N: Hi readers! ;) if you're reading this chapter, thankyou. Hihih :D First time ko kasing gumawa ng story kaya di pa ako masyado marunong. XD] ~Xoxo :*

Rumor Has ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon