Five

26 1 0
                                    

Haaaaaaay. Sabado pala ngayon, ano kayang magandang gawin. Hmmmmm. Mag mamall nalang ako! Nakakapagod rin kaya maging Gossip Girl kaya mag rerelax muna ako. Hihihi. Tinignan ko yung clock at 6am pa, 9am pa magbubukas ang mall. Kakain nalang muna ako tiyaka maliligo narin.

Pagkatapos kong kumain at maligo ay tinignan ko yung orasan, 7:30 am pa. Napag desisyonan ko munang pumunta sa park, malapit lang naman yung park dito eh. Pagkadating ko sa park ay umupo agad ako sa swing. Habang nakaupo ako ay naglaro ako ng Temple Run.

"Haaaay. Antagal namang mag 9am." sabi ko.

"Oo nga." nagulat nalang ako bigla dahil may nagsalita sa tabi ko na dahilan sa pagkahulog ko sa swing.

Narinig ko nalang na nag giggle siya. Tinignan ko yung nagsalita, nanlaki ang mata ko at parang naiinis ako nang makita ko siya. Kasi pati ba naman dito? Dito sa park?

"Aish, Makaalis na nga." sabi ko.

"Teka! Wag kang umalis!" Woah, hindi ko eneexpect na pipigilan niya ako ha.

"Me kailangan ka?!" sabi ko.

"Wala."

"Edi aalis na ako!" sabi ko.

"Gusto kitang makilala." ay, naka ngisi pa yung mokong.

"Kilala mo naman ako diba?"

"Ang ibig kong sabihin ay gusto kong makilala lahat tungkol sayo."

"Bakit moko iinterviewhin hindi naman ako nag aaply ng trabaho." sabi ko.

"Aish, sige na. Wag ka nang maarte jan!"

"So, ako pa yung maarte?!" paalis na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Please?" woah! End of the world na ba?

"Hmmm.."

Papayag ba ako? Hmm. Sige na nga, maaga pa naman eh. Tiyaka kung babalik ako sa bahay mabobore lang ako.

"Okey, I'm Ella Mae Gonzales, 17 years old. 4th year highschool. Nag-aaral sa St. Celestine Comprehensive Highschool. Ang panagalan ng mama ko ay Evelyn Gonzales at ang pangalan naman ng papa ko ay Ramon Gonzales. May kapatid akong lalaki ang pangalan niya ay Patrick Ian Gonzales, ako ang panganay. Oh, Ikaw naman."

"Charles Ivan Buenavista, 17 years old . 4th year highschool. Nag-aaral sa St. Celestine Comprehensive Highschool. Isa akong working student. Nakikitira lang ako sa bahay ng tito ko kasi patay yung mga magulang ko."

"Ahhh, ganun ba. I'm sorry to hear that." Hindi ko alam, pero bigla nalang ako nakaramdam ng lungkot para sa kanya.

"Ano kaba ayos lang." Nakangiti pa yung mokong eh halata namang may lungkot sa mga mata niya.

"So ano, mall tayo?"

"Hmm. Anong oras na ba?" tanong ko.

"9am na."

"Uy, sakto dun din yung punta ko." sabi ko.

"Samahan na kita." sabi niya.

"Okey."

---MALL---

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya.

"Ahh, wala. Busog pa kasi ako." pero ang totoo gutom na ako.

"Sige na. Libre ko naman eh." sabi niya.

"Yaman ah."

"Ha ha ha! Ayaw mo?" tanong niya.

"Siyempre gusto. Ano pang hinihintay mo jan? Tara nah!?" sabi ko.

Narinig ko nalang na nag giggle siya.

"Teka, may nakakatawa ba sa sinabi ko?" tanong ko habang naka cross arms.

"Wala naman, tara na." Nagulat nalang ako kasi bigla niya akong hinatak papuntang Jollibee.

"Ooder lang ako ha. Dito ka lang." sabi niya.

"Sige." sabi ko habang nakaupo na.

*After 3 minutes*

"Oh ito na." sabi niya.

Hindi na ako nagsalita at kinuha ko nalang yung spaghetti tiyaka french fries at kinain.

Narinig ko na naman siyang nag giggle.

"Oh, bat ka tumatawa?" tanong ko.

"Ang cute mo pala." Muntikan ko nang maibuga yung kinakain ko kaya uminom agad ako ng tubig. Hindi ko alam pero parang nag iinit yung mukha ko.

"Ha ha ha. Namumula ka." sabi niya sabay kuha ng fries tiyaka ngumiti at tumingin sakin.

Ayan na naman siya, umiiwas nalang ako sa tingin niya at yumuko.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad lakad lang kami sa mall.

*Riing Riing*

Tinignan ko yung tumatawag at sinagot ko.

"Hello ma?"

"Opo, ito na pauwi na."

"Teka, Charles 3pm na pala kailangan ko nang umuwi hinahanap na kasi ako ng mama ko kasi may pupuntahan raw kami mamayang 5."

"Ahh sige. Bye!" sabi niya.

"Bye!" sagot ko.

Nang makauwi na ako sa bahay ay agad kong pinuntahan si mama.

"Ma san ba tayo pupunta?"

"Pupunta sana akong mamall mag grogrocery kaso naalala ko, kahapon pa pala ako nag grocery."

"Ano?!" Naiinis ako kay mama, grabe talaga! Pinapa uwi niya ako sa wala kaya padabog akong umakyat sa taas. Humiga ako sa kama ko at naglaro ng Temple Run. Habang naglalaro ako ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Minulat ko na ang mga mata ko at umaga na pala.


Itutuloy....


[A/N: Hi readers :) sorry if ngayon lang naka update, busy kasi sa school eh. Thankyou nga pala for reading this chapter. Abangan niyo po ang next chapter nito.] xoxo~

Rumor Has ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon