Eight

8 0 0
                                    

Ella.

"Oh Ella ba't ka nandito sa Detention Room?" tanong ko sa kanya.

"Ah. Eh. Nalaman na kasi ng mga teachers at ng dean na ako yung gumagawa ng mg rumors thats why nandito ako ngayon." pagkatapos niyang sabihin yun ay yumuko siya.

"Nga pala, alam ko na rin na ikaw yung gumawa ng tsismis na bakla ako." napatingin siya sakin.

"Sorry. Ba't ka nga pala nandito?" tanong niya.

"Napaaway kasi ako kahapon dahil sa tsismis na bakla raw ako."

"Pasensya ka na talaga." umiiyak na sabi niya.

Ngayon ko lang siyang nakita na ganito kasi mataray siya lagi eh.

"Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Pasensya ka na talaga. Anong gusto mong gawin ko para mapatawad moko?" tanong niya.

Nag-isip muna ako saglit.

"Pumayag kang maging close ako sayo." nagulat siya sa sinabi ko maskin ako nagulat rin sa sinabi ko. Haay bahala na. Paninindigan ko 'to.

"Huh? A-anong sabi mo?" tanong niya.

"Bungol?" sabi ko naman.

Hindi na siya umiiyak at tumatawa na siya ngayon pati rin ako ay tumawa na rin.

Matapos ang 3 hours na nadetention kami ay naglakad lakad muna kami sa park. Nagkwentuhan lang kami pagkatapos ay hinatid ko na siya sa kanila kasi malapit nang gumabi at umuwi na rin ako sa bahay baka kasi hinahanap na ako ng tito ko.

Nang makauwi na ako ay nakita ko si tito sa salas na nagbabasa ng dyaryo. 5pm palang, nagpaalam muna ako sa tito ko na aalis muna ako saglit at pumayag naman siya. Pumunta ako sa internet cafe para mag facebook. Ino-pen ko yung account ko at inadd ko ulit si Ella, inunfriend niya kasi ako dati nung nag comment ako sa picture niya na panget. Haha, biro lang naman yun hindi ko inaakalang dinibdib niya. Matapos akong mag facebook ay umuwi na ako sa bahay at nagsaing na.

Matapos naming kumain ng haponan ni tito ay umakyat na ako sa kwarto ko at natulog na.

[A/N: Hey readers sorry if natagalan ang update. Thankyou nga pala for reading this story. Please stay tuned for the next chapter! ^^ Comment. Vote. Share.]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rumor Has ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon