Phoebe's POV
Nagising ako sa mabangong amoy na aking naamoy ano yun? Grabe naman pala yung mga kapitbahay ko dito tindi ng amoy ng lugaw nila, buti pa sila may pagkain samantalang ako nga-nga bwisit yan. Nagugutom nanaman ako bakit ang bilis ko magutom kasalanan to ng mukhang lihang si Stephen hayop sinaktan niya ang damdamin ko.....JOKE hihi
"Aray." Napasapo ako sa ulo ko, masakit parin kasalan ni Stephen to hindi niya ako sinamahan, isisi daw ba sakanya lahat? Pero seryoso masakit kumikirot leche waepek ata yung Biogesic doblehin ko kaya dosage?
"Hey?"
"Ay leche!" Napahawak ako sa not-so-flat chested- chest ko. Si Stephen mah labs? Anong ginagawa niya dito? Akala ko umalis na siya?
"Sinong leche? Sa pagkakaalam ko gwapo ako. Halikana sa kitchen I made a poridge for you." W-what? Lumapit ako.
"PAKYU KA, PAKER KA TALAGA EMPERIAL NAGDRAMA PA NAMAN AKO NA PABABAYAAN MO AKO, KASI NAMAN IKAW EH BAKIT KASI MAY BABAE KA PA! HAYOP KA TALAGA MAS CUTE NAMAN AKO KESA SA KANYA AH" Maiyak iyak kong sigaw sa kanya hinampas hampas ko rin siya takte talaga bukas ililibing ko na sarili ko namura ko pa siya.
"Sino bang babae ko? Pfft." Nagpipigil ka pa nang tawa? Bwisit
"Edi yung babae mo sa unit, hindi pa nga ako nakakaalis naandun na siya nakakainis ka!" Napalabi ako habang sinusuntok ko yung dibdib niyang matigas tsansing din to mga mare.
"Whoa LQ yung lovers" tanong nung... At nagawa pa talagang dalhin ni Stephen yung babae niya mga hayop kayo, andito rin sila King pogi, pati sila Lyle?
"Ganyan ka ba talaga sakin? Dinala mo pa dito yang may hitsura mong kabet? Kasama pa sila King at Lyle? Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human too?" Makikipaghiwalay na ba siya sakin? Huh? Huh?
"The hell Phoebe she's Laura, my sister."
She's Laura, my sister.
She's Laura, my sister.
She's Laura, my sister
"Hi there!" Ngumiti siya nang malapad pakermaker! Nagdrama pa ako, parang lalong sumakit ulo ko daaamn! Ang O.A. ko pala shet na malagket! Nakakahiya nawitness pa nila yung katangahan ko.
"Hoy Phoebe buksan mo nga to"
"Waaah! Ayaw hanapin mo susi, nakakahiya nakakainis ka hindi mo kasi ako pinapakilala buset" naglock ako magisa dito sa kwarto.
Hindi ko talaga bubuksan yang pinto hinding hindi nakakainis.
"Please open this door kumain na tayo."
"Eto na." sabi na nga ba wala akong magagawa sabi niya kasi tayo meaning to say kami pareho kinilig naman ako bwisit.
"Hey what the hell are you thinking? You're spacing out." Aba nakakahiya kaya bwisit ka mahal kasi lita ng sobra kaya sobra din ang pagmamahal ko sayo letse.
"Ikaw kasi hindi ka man lang nagkwento about sakanya." Nginuso ko ang dereksyon ni ate Laura at King na naglalandian este nagkurutan 'tung mga to, si Lyle parang may ka text feel at home na feel at home ang impakto sa unit ko, ni hindi ko pa nga napapatungan ng paa yung bago kong sofa nauna pa siya hmmp!
"You didn't ask" oo nga naman.
"Eh bakit ang bait mo ata sakin ngayon?" I asked why? I'm so curious
"I granted your father's favor I guess?" Bwisit ka! Kikiligin na sana ako e favor pala ni daddy testingan nga natin 'to."Whe? Gusto mo na ako my loves no? Ayieeh!" Ngumiti ako nang nakakainis
"Stupid." Napasimangot ako
"Anong stupid stupid ka d'yan heh aminin mo na para happy ending na yung love story nating dalawa." Napangisi ako sa loob loob ko."Anong aaminin ko?" Napanguso ako
"Heh ewan ko sayo kj mong nilalang ka." Tumawa naman siya. There's something on Stephen acting wierd.So ayun matapos nang eksena sa kusina, niligpit ko lang yung mga plato mamaya ko na siguro huhugasan malamig aba. Lahat sila nasa sala, mga to' kasura feel at home sarap ipatapon sa ilog sapa JOKE.
Akala ko hindi na sila magtatagal sa pagtambay sa unit ko pero alas-otso na andito parin, nag-order na nga si Ate Laura ng foods tapos kakasuhan ko siya ng rape CHOSS ano ba naman tong author na to' tagal na nun di pa makamove-on. Ang daldal ko ulit back to the topic, pinipilit nga nilang magpahinga daw ako sa kwarto kasama ng asawa ko--- este fiance kong ugok pero tinatanggihan ko siyempre alam naman nating ang history namin diba? Lol maka-history wagas e' anyways ulit bakit nga ba ako naging pilosopa at humilig sa joke? Di bale na nga lang. Dahil nga may sakit ako, pinili kong magpahinga sa kwarto kasama ang cellphone, unan at earphones ko. Pero hindi ko talaga maitatangging medyo sumasakit muli yung ulo ko naalala ko ulit yung plano kong make Stephen fall for me hindi kaya naf-fall na siya sakin? Chos lang less expectation, less pain.
7:30PM na pala, nakaidlip ako. Teka and'yan pa ba sila? Lumabas ako ng kwarto ko medyo nahihilo pa ako pero okay naman.
"Hey, take a rest bumili na sila Laura ng pagkain for our dinner. Stephen nasa banyo." Nagpatuloy na siya sa pagkulikot nang phone niya, diba sabi niya si My loves nasa banyo daw? Lord sana po nakatapis lang siya pasilip lang po nang abs sapat na.Umupo ako sa couch, in-on ko na rin yung television. "Dito kayo matutulog?" I asked Lyle.
"Nope, si Emperial lang." Ihh ano ba yan kinikilig ako, napahawak ako sa bandang dibdib ko. "Pfft, look he won't rape you. Flat chested ka e" lumaki yung mata ko, literal walang hiya ka Lyle! Punyeta ka
'"Ouch." Napahawak siya sa mukha niyang natamaan ng unan.Peste 'to, lahat ba silang magkakaibigan ganyan yung ugali? Bastos tss.
"Mukhang naglalambingan kayo a?" Napalingon ako, si My loves ghad ang gwapo niya, kaso hindi topless ano ba yan.
"Selos ka pre?" Nginisian pa ni Lyle si Stephen. "Back off." Ano daw? Likod patay? Back off daw e'
"Whoa, binata ka na pala pre." Bakit hindi pa ba binata si Stephen sa lagay na yan? Kumunot yung noo ko. Stephen is really acting weird. Hays
BINABASA MO ANG
Arranged with Mr.Heartless (EXO Kai FF)
FanfictionArrange with Mr. Heartless? diba yun yung kapag inaayos kasama ng walang puso? tapos buti pa yung saging may puso? K.CORNY. Pero ineedit ko parin to :( baka wala pang update Wala talaga akong maisip na details :'( anyways THANK YOU SA COVER! YIE...