18-News

466 13 0
                                    

Phoebe's Point Of View

Hay! tambak na naman ng mga school works tulad ng assignments,seat activities, quizzes, long test, practicums, group activities at kung ano ano pa. buti natapos ko to' ng maaga dahil mamaya susunduin ako ng Mom ni Stephen ready na raw yung gown at kung ano ano pang ka ekekan na kakailanganin para sa Kasal

3 araw na lang magiging Mrs.Emperial na ako, nakakalungkot na nakakatuwa, naeexcite na kinakabahan yung mga tipong ganyang feeling, tumawag rin kahapon si Dad after daw ng wedding lilipat daw ako kaya hindi na kami magkasama ni Steph My loves .Binilhan ako ni dad ng condo unit sa Royallè Paradisè may kalayuan sa condo unit ni My loves sabi ni dad safe naman daw du'n hindi raw basta-bastang gigiba yung building kung saka sakaling may delubyo na darating kaya may kamahalan may mga gamit na daw ako dun at kompleto na.

'I love you~ You love me we are happy famil-'

Steph MY LOVES... calling

■■■■■■

"Hello, My Loves?"

[Nasa unit ka ba?]

"Oo, nasa condo unit mo ak-"

[Nasa baba ako ng building, pinapasundo ka ni Mom sakin.] bastos di man lang ako pinatapos

"Ahh,si--"

**toot..tooot.toot.**

Call Ended.

■■■■■■■

hobby niya ba ang mamutol? putulin ko flappy bird niya? Joke lang hindi kami makakabuo pag ganu'n hehe

Niligpit ko muna yung kalat ko, inoff yung ilaw and other electricity charge equipments after nu'n saka ako lumabas at nilock na ang unit ni My loves . Ano kaya yung hitsura nung gown? Babagay kaya sakin? Magugustuhan ba ni Steph my loves yun? Good luck na lang

Natanaw ko na siya naghihintay sa may parking space, sarili niyang parking space taray no'? hehe rich kid e' agad ko naman siyang nginitian, pero dahil pa chixx yata tong si My loves snob lang turn on ako sa mga acting snob na lalaki

"What take you so long?" ang gwapo niya talaga kahit naka black shirt lang siya, tinamaan talaga ako dito sa lalaking to'

"Pinatay ko yung ilaw,wifi,aircon, television,yung washing machine binabad ko kasi yung uniform ko, in-unplug ko rin yung chinarge kong phone at iPad mini na kasalukuyang dala-dala ko, nag ayos, nilock ang pintuan ng unit mo, naglakad, sumakay ng elevator at naglakad ulit." Napagod ako dun' ah muntik na ako mawalan ng hininga may lahi siguro kaming rapper. Na alala ko tuloy si Sharon Cuneta di ko akalaing magaling siya magrap

"Tss. dami kong sinabi hop in." Siyempre sasakay talaga ako no' alangan namang naka kotse siya tapos ako de lakad lang then pagdating ko sa bahay ng mom niya haggard ako gano'n?

"Eto na po loves." Kailangan talaga magalang ako, di man lang ako pagbuksan net'o di bale na lang para saan ba ang mga kamay ko .

"My loves BV ka ba ngayon?" Dito ako sa Shotgun seat umupo siyempre.

Lumipas na ang 10 min. hindi parin siya nagsasalita, Silence means Yes diba? Siguro may nakaaway siya kawawa naman

"Alam mo Steph My loves kung may problema ka, pwede mo namang sabuhin sakin yan, andito ako lagi para makinig sayo." nakatingin ako sakanya habang nagsasalita, ang gwapo niya talaga kahit snob, atleast nakakalapit parin ako sakanya.

"Wala ka nang pake kung may problema ako o wala."bakit gano'n ang cold niya sakin, may nagawa ba ako? napabuntong hininga na lang ako

"Gusto mo pa ba ituloy yung kasal?" baka yun nga! baka yun ang problema niya

"May magagawa ba 'ko" cold tone.

"Alam mo Stephen, kung hindi mo talaga gusto dapat sinabi mo na lang din nalulungkot ako pag malungkot ka Masaya ako pag masaya ka,Alam kong ayaw mo pang matali....Matali sa babeng hindi mo naman gusto."para rin naman siguro sakin to' para sakanya .....para saming dalawa.Kung ako ang tatanungin siyempre gusto kong makasal agad kami, para gagawa kami ng little Stephen at little Phoebe LOL pero hindi naman ako ganun ka selfish para ipagpilitan ang kasal na alam kong hindi niya naman gusto.

At hindi naman ako ganun ka lantod,haliparot,higad at malandi para sobra sobrang ipagpilitan ang sarili sakanya, cute kaya ako hihi. Sa gagawin kong desisyon tingin ko mas okay yun, kahit medyo nanghihinayang ako ng bahagya okay lang naman sigurong i-urong ang kasal tutal mga bata palang kami at marami pang gustong mangyari sa buhay, mga pangarap PERO Fiance ko parin siya at hindi ako papayag na pati yun ay mawalan ng bisa, ayoko munang madaliin ang lahat ni hindi pa nga kami nagkakaroon ng Engagement Party tapos kasal agad? gusto ko namang maranasan ang nararanasan ng mga babae bago ikasal.

"I-urong kaya natin ang kasal?" suhestyon ko basta fiance ko parin siya, actually matagal ko na yang pinagiisipan simula pa nung dumating ako sa condo niya, tamad lang yung Chaka kong Author na ilathala ang aking damdamin CHOSERA bakit biglang lumalalim yung mga pinagsasasabi ko ?

"Aray naman!" pano' ba naman kasi bigla bigla siyang nagpreno,buti na lang may suot akong seatbelt kundi wasak mukha ko, o kaya naman tumalsik na ako .

Napatingin naman ako sakanya, nakatingin lang din siya saki'n. Tinginan na lang teh?

"What's your plan." plain. Kung kanina 'cold' ngayon naman 'plain'. Bakit ganito tong taong to?

"Punta tayo kina Daddy, sabihin natin yung gusto.....mo  tapos tawagan na lang natin mom mo after nating kausapin si Dad."I smiled at him. fake smile I guess? Ganito ba talaga ang feeling  pag pumapag-ibig? pero hindi parin ako susuko.
Patay narin yung real mom niya kaya step-mom na lang niya yung present ngayon.

Nag patuloy na siya ng pag d-drive ni hindi man lang nag effort na mag-react, yung totoo bato ba tong si Stephen ? no reaction? .

"Gusto kitang kausapin ng kausapin alam mo ba yun?" Nakatingin lang ako sa kanya,pero straight parin fail! parang walang narinig ._. tapatan ko kaya yung tenga niya ng Mega-Phone?

"Gusto ko magtanong ng kung ano-ano para naman may alam ako tungkol sayo." this time sa bintana na lang ako nakatingin

"May girlfriend ka ba?" baka naman kasi may girlfriend tapos nalaman na lang niya na ikakasal siya sakin kaya cold siya.

"Wala." Eh? Walang girlfriend si Stephen

"Whe? eh sino yung malanding pokpok na haliparot na mukhang paa at payaso ang kasama mo nung isang araw? hmmp! di hamak naman na mas maganda at cute ako kaysa sakanya diba?" bakit totoo naman ah ?

"Fling lang yun tanga" here we go again ako nanaman ang tanga, kasurang to'


"Maka tanga ka naman,cute ko kaya hihi" totoo naman kasi e' bawal mag sinungaling 

Hindi na siya nagsalita. ano ba yan? may nasabi ba akong mali //pout//.

-------------------------------------------------------------------------

SOBRANG SABAW!!! SORRY NA HAHAHAHA TAKTE ANG TIPID KONG MAGSULAT NGAYON, ESTE LAGI PALA SORRY HAHAHA anyways Happy Father's day sa lahat ng father in the world :) may character na si Phoebe, on the multimedia pow, may nag request eh .

Arranged with Mr.Heartless (EXO Kai FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon