AKO si Beat. 17 years old. Napariwara noong hindi nakanood ng MyuSicKon. Wala nang future.
Nakaupo ako ngayon sa ilalim ng isang waiting shade na may aandap-andap na ilaw at mga nagliliparang gamo-gamo, sa Greenhills, bandang alas-onse ng gabi.
Huh? Bakit ako nandito?
Uh, dahil bad trip ako,
SHUT UP AND READ ON!
#
ONE DAY, isang araw, pupunta ako sa concert ng paborito kong banda at musician. Mega-countdown pa ako sa con day at panay itlog ang inulam sa loob ng isang taon para makabili lang ng front seat ticket. Kaso sa mismong araw ng con, naiwala ko ang purse na naglalaman ng tix!
Kaya iyon. Hindi ako nakanood. Tapos no'n naglakad-lakad na lang ako sa tabi ng kalsada na parang ligaw na kaluluwa sa malagim na gabi. At makalipas ang halos dalawang oras mula sa scene of the crime kung saan nawala ang purse ko, natagpuan ko na lang ang sarili ko sa gitna ng car park sa tapat ng Music Museum!
Huh? Paano akong nakarating dito?
Dahil bad trip pa rin ako,
SHUT UP AND READ ON!
#
HINDI ko rin alam kung paano ako nakarating sa harap ng Music Museum. Maybe, unconsciously, gusto ko pa ring ma-experience ang MYUSICKON kahit 'yong excitement lang ng mga nanood. O baka kasi (sana, sana, please), makasilay pa ako sa MyuSick, kahit sa tuktok lang ni Pitch, kaya dinala ako rito ng ligaw kong kaluluwa.
Kaso wolo. Tapos na tapos na ang concert pagdating ko; namatay at napunta na sa langit ang mga Sickos na naki-concert sa sobrang ligaya; tahimik at patay na ang mga ilaw sa venue; maluwag at halos deserted na ang paligid at; walang ni isa mang MyuSick member ang naiwan at nakaisip tumambay sa labas (mga KJ!).
Naiwan akong mag-isa, nakatitig sa building at nakatayo sa gitna ng kawalan hashtagPunoNgKasawian.
Hikbi.
#
*itsura ng pagkapariwara ko at kawalan ng future*
#
TAPOS biglang bumuhos ang malakas na ulan!
Pero dahil puno ako ng kasiphayuan, wala akong pake. Kaya sabi no'ng aleng nagtitinda ng market bags (na may mukha ng mga gitarista ng MyuSick na sina Melo at Note) na nadaanan akong parang tangang nagpapaulan sa disoras ng gabi, "Ineng, dali ka! Silong sa waiting shade!"
Waiting shade?
Nagising ako sa sinabi niyang waiting shade kaya iyon, tumakbo ako papunta sa waiting shade.
At d'yan nagtatapos ang kuwento kung bakit ako nakaupo ngayon sa Greenhills bandang alas-onse ng gabi sa ilalim ng isang waiting shade na may aandap-andap na ilaw at mga nagliliparang gamo-gamo.
WAKAS
#
TAYMPERS.
Sa kung saang lupalop ng mundo, nag-notif ang CP ko na hawak ng isang misteryosong nilalang. Binasa niya iyon.
"When the pain penetrates, the music resonates."
- Music and Healing
, ang sabi ng scheduled tweet ko sa Sicko account ko that stan MyuSick.
Ngumisi ang misteryosong nilalang sa nabasa at nagbalik sa paglalaro ng Candy Crush Friends Saga sa aking cellphone.
Moving on...
#
"Z Z Z Z Z..."
May –
"Z z z z z..."
Lamok? Este, humihilik?
#
MAG-ISA lang ako sa waiting shade na tinitirhan ko ngayon bilang pulubing kinalimutan ng sosyedad dahil hindi nakanood ng MyuSicKon so saan nagmumula ang hilik?
Sumilip ako sa magkabilang bahagi ng waiting shade. Wala namang tao. Sumilip ako sa bubong. Wala rin. Sumilip ako sa ilalim ng upuan—le gasp! May mga paa! Mula sa kabilang—Oh! May katalikuran palang waiting shade 'tong waiting shade ko.
Bumalik ako sa pagkakaupo katalikuran ng taong humihilik sa kabilang waiting shade. Sana... Sicko rin siya na hindi nakanood ng con para masaklap din ang buhay niya gaya ko.
"Z z z z z..."
Buti pa siya nagagawang itulog ang kasawian. Sana oink.
#
Makalipas ang ilang minuto...
"NGOOORK! Wiswiswiswiswis..."
Naalimpungatan ang lalaki sa kabilang waiting shed sa lakas ng hilik ng babaeng nasa likuran niya.
Pero wapakels. Bumalik lang siya sa pag-idlip.
Kaso patuloy ang malakas na hilik. Sa lagay na 'yon hindi na siya makababalik sa pagtulog.
Bumuntong-hininga siya. Itinaas niya ang itim na knitted cap na nakatakip sa mukha at ikinurap-kurap ang mga matang blangko ang tingin. Sinilip niya ang relo sa braso.
1:25 AM
Bahagyang naningkit ang mga mata niya.
Hindi pa panahon para siya'y magising.
#
HUMIKAB ang lalaki.
Uminat.
At kinusot ang kanang mata.
Pagkatapos, tumayo siya mula sa kinauupuan—
"Ngork! Wiswiswiswiswis..."
—upang puntahan ang masamang nilalang na nang-istorbo sa kanyang masarap na pagtulog.
tbc
#
B/N
Kumusta ulit!
Gusto ko lang sabihin na salamat sa pagbabasa, tekker op yu and be of good health. Always ϟ.
BINABASA MO ANG
PERFECT PITCH (Drummer Boy)
Fanfiction"PITCH. "He's the drummer of the popular rock band, MyuSick. "Cool but aloof. Talented but reserved. Cute and hot but unaware. "Fans admire and desire him. Uh, including me? "Pero sino lang ba ako para mapansin niya? "Nobody. "Until one fateful...