9 | hello, LOVE, Gaaaaaaaahd!

67 2 0
                                    

SIGURADO ako. Dahil sa sobrang kasiphayuan dulot ng hindi pagkanood ng concert ng MyuSick, inatake ako sa puso at namatay dahil –

KAHARAP KO NGAYON ANG ISANG DEATH ANGEL!

Na kamukha ng pinaka-hawt na nilalang sa buooooong kalawakan—ANG PINAKAMAMAHAL KONG SI PITCH!

Si Pitch na master drummer ng MyuSick.

Si Pitch na nagbukas ng mga mata ko kung gaano ka-cool ang drums, drumming at drummer.

Si Pitch na nagbigay ng ibang kulay at kahulugan sa musika at buhay.

Si Pitch na –

Dinutdot ng death angel ang mukha ko na ginawa niya no'ng una kaya ako nagising (dinudutdot niya ng hintuturo ang pisngi ko!).

"Gising ka na ba?"

#

KUMURAP-KURAP ako. Para talagang si Pitch si Death Angel Pitch. Siguro mababait talaga ang mga nilalang sa langit na kapag namatay ka, ibibigay nila sa 'yo bilang welcome ang makapagpapasaya sa 'yo. Para nga naman heaven tahaha!

At tutal patay naman na ako, wala naman sigurong masama kung –

#

TUMAYO ako. Tumuwid din ng tayo si Death Angel Pitch. Hongtongkod niya, hanggang dibdib lang ako.

Saktoooo!

Ulit. And since patay naman na ako, wala naman sigurong masama kung –

YAKAPIN KO SIYAAAAAA!

#

*literal na itsura ng bear hug ko at si Death Angel Pitch under my embrace*

PARANG isdang nawala sa tubig na nagpipiksi si Death Angel Pitch sa mga yakap ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PARANG isdang nawala sa tubig na nagpipiksi si Death Angel Pitch sa mga yakap ko. Nang bitiwan ko, agad siyang umatras at niyakap ang sarili, akala mo sexually harassed.

Tinitigan niya ako, naniningkit ang walang emosyong mga mata.

Tinitigan ko rin siya.

Tinitigan niya ako.

Tinitigan ko rin siya.

Tinitigan niya ako.

Tinitigan ko rin siya.

#

TINITIGAN niya ako.

#

TINITIGAN ko rin siya.

#

GROWWWLL...

Biglang kumulo ang tiyan ko. Hindi pa nga pala ako naghahapunan.

Teka, nagugutom pa rin ba ang patay?

PERFECT PITCH (Drummer Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon