MATAPOS makapagdelihensiya ng pangkain, dumiretso kami ni Pitch sa Your Friendly Neighborhood Fast Food na open 24 hours. Aaaaang SPIDERMCJOLLY!
'Yon kasi ang kainang pinakamalapit na kakalma sa nag-aalburoto naming mga tiyan. Isang tawid lang mula sa terminal at nandoon na.
🎶 I know I always come and go / But it's out of my control / And you'll be left in the dust / Unless I stuck by ya / You're a sunflower...
Tumutugtog ang "Sunflower" nina Post Malone at Swae Lee sa background. At ang kewl. Panay naka-Spider-Man costume ang mga crew! (Spider-Woman kung babae) At may suot silang apron. Kyot.
Nakatayo si Pitch na parang poste sa bukana ng fast food. Nililibot niya ng tingin ang buong paligid, nangingilala ng lugar. Pagkatapos, naglakad siya papuntang counter. Hinabol ko siya na parang julalay.
#
AKO sana ang magpiprisintang umorder kasi kahit nakamaskara ang mga crew, nakatutok ang mga mukha nila kay Pitch na parang natulala. Obviously, mga na-starstruck. At well, na kay Pitch ang pambili. Saka mukhang hindi naman niya pansin ang atensyon na binibigay sa kanya ng mga tao. Feeling 'di sikat.
"Upo ka na. Reserve. Ng puwesto natin," sabi niya nang nanatili akong nakatayo sa tabi niya sa harap ng counter.
Ipag-reserve ng puwesto? Eh, ang daming bakante hindi niya ba napansin?
Sabagay. Kailangan ko ngang piliin ang pupuwestuhan namin dahil hindi siya puwedeng ma-expose.
#
SA sulok ako pumuwesto para hindi kami masyadong mapansin. At dito si Pitch sa harap ko, sa mamamasdan ko ang mukha niya at sa puwestong nakatalikod siya sa mga usyusero para hindi siya masilayan at maistorbo.
Napanganga ako nang dumating siya. Ang dami niyang inorder! May bitbit na siya, may bitbit pa ang service crew na kasunod niya.
Pagkalapag ng pagkain at pagkaupo niya, nanatiling nakatayo ang crew sa tabi. Pareho kaming napatingin dito.
Nagkamot ng ulo ang crew at unti-unting inilapit ang listahan ng order at ballpen kay Pitch.
"Sir Pitch, puwede pong pa-autograph?"
Tinitigan ni Pitch ang listahan.
Nataranta ang crew. "S-sorry, Sir. Hindi ko kasi dala ang album ng banda kaya dito—Teka po, kukuha ako ng mas – "
Inabot ni Pitch ang listahan. "Drummer lang ako. Pero kung trip mo, eh." At pumirma siya sa papel.
#
DRUMMER lang? Akala pa naman namin ng crew minamata ni Pitch ang listahan ng order para pirmahan, 'yon pala iniisip niyang wala namang espesyal sa kanya.
Gusto ko siyang alugin at sigawang, "PITCH, HINDI KA DRUMMER LANG! ISA KANG MAGALING AT COOL NA DRUMMER! AT DRUMMER KA NG MYUSICK! KULANG ANG BANDA KUNG WALA KA!"
Pero haaays. Sadyang humble ang mga member ng MyuSick. Kaya baliw na baliw sa kanila ang mga Sickos, eh.
Pagkaalis ng crew, natigilan ako dahil huminto si Pitch. Inabot niya ang mga kamay ko, yumuko at pumikit. Tapos nagsabi siya ng grace before meal!
Sobrang kewl!
Pagkatapos magdasal, ibinahagi ni Pitch ang pagkain sa aming dalawa. Tig-isa kaming bacon cheeseburger, spaghetti with fried chicken, fries, iced tea at iced water. Tapos may eight slices na pan pizza pa!
"Ang - dami," mahina kong sabi. Pero deep inside excited na akong kumain. Hindi ko nga alam kung anong uunahin.
"Kasi malaki gutom natin. Kain," sabi niya at inatake ng kagat ang burger.
BINABASA MO ANG
PERFECT PITCH (Drummer Boy)
Fanfiction"PITCH. "He's the drummer of the popular rock band, MyuSick. "Cool but aloof. Talented but reserved. Cute and hot but unaware. "Fans admire and desire him. Uh, including me? "Pero sino lang ba ako para mapansin niya? "Nobody. "Until one fateful...