12 | busKing

76 3 0
                                    

'PITCH. Ng MyuSick. Drummer.'

Waits. Wait lang, ha.

Tinapik-tapik ko ang gilid ng ulo ko para lumabas sa tenga ko ang kung ano mang bumubulong ng kaadikan doon. Pero...

'PITCH. Ng MyuSick. Drummer.'

'Yon pa rin ang umaalingawngaw sa ulo ko.

Tinitigan ko si Death Angel Pitch.

Tinitigan niya rin ako.

Kumurap-kurap ako.

Kumurap-kurap din siya.

Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa.

Ulit. Same height gaya ni Pitch—matangkad, 5'11". Same hair—sing-itim ng gabi, makapal, medyo mahaba at wavy. Maputi at makinis ang balat. Payat ang pangangatawan pero all muscles and bones. Parehong manamit—rugged outfit (rugged siya pero mukha pa ring mabango hihi). Black shirt na may bold print ng latest album ng MyuSick na MOSAIC. Faded denim jeans, white leather Chucks. May tattoo bracelet na music staff symbol sa left wrist. Naka-knitted cap na may embroidered Hi-Hat symbol. At...

Tumagilid ang ulo ni Death Angel Pitch sa pagtingin sa akin na para bang natatangahan sa ginagawa ko. At, ang mga blankong mata niyang nakatingin sa akin, ay ang mga mata ni Pitch na tinatawag ng mga Sickos na dead eyes.

Hindi.

Hindi nga siya isang death angel.

Dahil siya nga.

Siya nga ang drummer ng MyuSick.

Si Pitch.

#


*itsura ng reaksyon ko nang mag-sink in sa akin na si Pitch nga ng MyuSick ang kaharap ko*

*itsura ng reaksyon ko nang mag-sink in sa akin na si Pitch nga ng MyuSick ang kaharap ko*

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"I feel faint."


#

HUMIBI ako.

Ayokong umiyak sa harap ni Pitch pero sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Agad kong tinakpan ng mga kamay ang mukha ko kasi nakakahiya. Para akong nagka-nervous breakdown at biglang nagkaroon ng sudden outburst.

Pinipigilan ko namang umiyak pero mapapahikbi ulit ako tapos mapapaiyak ulit.

Kasi ang saya ko.

Ang saya-saya ko!

AKO NA ANG PINAKAMASAYANG SICKO SA MUNDO!

Hindi ako naka-attend ng comeback concert ng MyuSick. Nawala ang lahat-lahat sa akin. Pero –

Kasama ko naman ngayon ang lodi ko.

#

*itsura ng kasiyahan ko dahil kasama ko si Pitch*

PERFECT PITCH (Drummer Boy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon